Tama lang yung desisyon ni Kris Aquino na sa halip na umarte sa pelikula o TV ay maging prodyuser na lamang. Kasama ang mga dating nagtutulong sa paggawa ng indie films na sina Chris Martinez at Atty. Joji Alonso, may ipo-prodyus na pelikula ang presidential sister para sa Cinemalaya Film Festival na pinamagatang Instant Mommy.
Kilala ang tambalang Martinez at Alonso sa paggawa ng magagandang indie film kung kaya inaasahan na maganda ring lalabas ang pelikula nila na kasama si Kris. Makakasama ang pelikulang gagawin nila sa New Breed category.
Bago ang gagawin niyang pagpo-prodyus, nabaliÂtang gagawa ng isang indie film si Kris na kung saan ay pumayag na itong magkaroon ng mga intimate scenes sa isang kapwa niya ring babae pero, hindi na ito matutuloy dahil may conflict sa mga endorsements niya.
Pinakakaabangan ang Cinemalaya Filmfest sa taong ito dahil bukod sa Instant Mommy na tatampukan ni Eugene Domingo, makakasali rin ang pelikulang tinatampukan ni Gov. Vilma Santos, ang Ekstra na kung saan ay pumayag mag-guest sina Piolo Pascual at Marian Rivera.
May pelikula rin dito si Gretchen Barretto, ang The Diplomat Hotel.
Pasensiya ni Derek naubos na!
Pati na si Derek Ramsay ay tila napundi na sa paulit-ulit na paggawa ni Baron Geisler ng kasalanan sa ilang mga kasamahan nila sa seryeng Kidlat.
Ang ikinagagalit ni Derek sa sinasabi niyang mahusay niyang co-actor ay ang hindi nito pagtupad sa ipinangako nitong pagbabago matapos na makabangga nito ang isa nilang kasamahan sa serye.
“Gawin na lang niya ang sinasabi niya at huwag nang ulitin ang mga pagkakamali niya. Hindi na puwedeng paulit-ulit na lang siyang magso-sorry. Naaapektuhan na kaming mga kasamahan niya. Buti na lang at hindi kami umaabot sa pisikal na engkwentro na tulad ng nababalita. Hindi rin totoo na ipinatanggal ko siya sa series. Wala akong karapatan, ang mga boss lang namin ang makakagawa nito,†sabi ng aktor na talaga namang nakitaan na ng pagkainis sa kakulitan ni Baron.