Maricel tuloy ang pamamahinga, hindi pa handang magtrabaho

MANILA, Philippines - Hindi pa rin nagpaparamdam si Maricel Soriano pagkatapos maging kontrobersiyal ang pagkawala niya sa serye na pagsasamahan sana nila ni Gerald Anderson, ang Bukas Na lang Kita Mamahalin.

Ang sabi ng isang source, namamahinga pa rin si Maricel at hindi pa raw handang mag-trabaho.

Pero oras daw na maging ready na ito, nakahanda naman ang pelikulang gagawin niya sa Viva Films.

ANGELICA HINDI KAYA SI KAREN

Hindi kaya ni Angelica Panganiban na gayahin si Karen Davila sa kanilang Banana Split na napapanood after Bandila. Ang layo.

Try sigurong kopyahin ni Angelica si Ces Drilon, baka mas makuha pa niya.

Kahit si Kris Aquino ay hindi na magaya ni Angelica, parang sobrang OA na.

Buti pa si Jayson Gaiza kahit paano, pasado sa pangongopya kay Tito Boy Abunda.

 

Show comments