^

PSN Showbiz

Keempee De Leon magiging tatay na beki

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado (March 16), ibabahagi ng Magpa­kailanman ang kuwento ni Ruben Marasigan na pina­magatang Ang Tatay kong Beki: The Ruben Marasigan Story.

Lumaki si Ruben sa amang hindi marunong magpigil ng galit. Hindi na bago sa kaniya ang makaramdam ng pananakit mula rito. At ito ang nagbigay kay Ruben ng lakas para lumaban sa kahit sinong nang-aapi sa kaniya. Hindi dahil bakla siya ay dapat wala na siyang laban.

Ganoon pa man, hindi rin maiwasan ni Ruben ang paulit-ulit mahulog ang loob sa mga lalakeng wala ring mabuting naidudulot sa kaniya. Ang gusto lang naman niya ay makaramdam ng pagmamahal, na hindi man tinu­tutulan ng kaniyang mga kaibigan, gusto rin nilang ipaintindi sa kaniya na kailanman ay hindi niya ‘yun ma­kukuha sa lalaki—gaya ng gusto ni Ruben.

Magbabago lang ang pamumuhay ni Ruben nang dumating sa buhay niya ang batang si Zaldy.

Hindi ito kayang buhayin ng ina kaya ipinamigay. Maaawa si Ruben sa sanggol, at sa ina nito, kaya tatanggapin niya ang bata. Siya ang tatayong ama nito at ina, at sa tuwing may manunukso at mang-aaway kay Zaldy, siya rin ang nagiging tagapagtanggol nito. Walang hindi ibibigay si Ruben sa anak-anakang si Zaldy.

At nang minsang hilingin ni Zaldy na makilala ang ina niya, maging ‘yun ay hindi ikakaila ni Ruben sa anak.

Mahahanap ni Ruben ang ina ni Zaldy na si Sonia at kakausapin ito tungkol sa hiling ni Zaldy. Ang hindi alam ni Ruben, makikita ni Sonia sa kaniya ang isang baklang malambot ang puso—isang taong puwedeng pagkakitaan. At sa tulong ng panunulsol ni Lucas, ang boyfriend ni Sonia, gagawin ng ina ni Zaldy ang lahat para perahan at lamangan si Ruben.

Para kay Zaldy, titiisin ni Ruben ang lahat. Kahit na nasasaktan siya sa tuwing pinupuntahan ni Zaldy ang ina. Ngunit nang malaman ni Ruben ang pananakit na ginagawa nina Lucas at Sonia kay Zaldy, lalabas muli ang tapang nito.

Susugurin ni Ruben sina Lucas at Sonia at susubukang bawiin si Zaldy. Ngunit nang ilaban ni Sonia na puwede niyang palabasing peke ang birth certificate na hawak ni Ruben, na puwede niyang bawiin ang anak na si Zaldy—hindi na alam ni Ruben ang gagawin.

Ano nga ba ang karapatan ng isang bakla sa anak-anakan?

Itinatampok si Keempee De Leon bilang Ruben Ma­rasigan, sundan ang kuwento ng buhay ni Ruben nga­yong Sabado sa Magpakailanman pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA 7.

 

ANG TATAY

DADDY KO

INA

KEEMPEE DE LEON

LUCAS

RUBEN

SONIA

ZALDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with