Solusyon sa problema sa summer sagot ng Belo

MANILA, Philippines - Nakakasagabal ba ang varicose veins para makarampa kayo nang naka-shorts ngayong malapit na ang summer?

Are your flabby stomach and thunder thighs ang pumipigil para mag-bikini kayo?

Lagi na lang ba kayong nakapantalon at t-shirts sa ilalim ng swimsuits?

Wini-wish ninyo bang magkaroon ng fuller at sexier lips?

Kung ang sagot ninyo ay oo, merong nakahandang sagot diyan ang Belo Medical Group.

Ngayong Linggo sa Salamat Dok, ibabahagi ni Dr. Patricia Cordova-Sauler­ ng Belo Medical Group ang mga bagong solusyon para sa mga karaniwang pampaganda.

Bilang pagtupad sa kanilang pilosopiya na magbigay ng world class cosme­tics treatment sa bawat Pinoy, ipakikilala ni Dr. Sauler ang Sclerotherapy—a safe and painless way to get rid of varicose veins.

Sclerotherapy is a state-of-the-art microinjection therapy used to shrink veins. It was developed in Europe. Gumagamit ang Belo ng German-made solution that not only causes the vein to disappear at nakakapagpaganda ng circulation in healthy veins! Tatagal ng 15 to 20 minutes ang sessions.

Sa mga nag-aalala sa kanilang mga taba, mga ugat-ugat na kitang-kita, meron silang ino-offer na HCG Diet  o  Human Chorionic Gonadotropin na   hormone responsible for suppressing our appetites. Ginawa ito ng Belo na may kasamang  healthy diet program na nagpapapayat. Maaring mabawasan ng isang pound araw-araw ang inyong timbang.

Ipapaliwanag din ang fuller lips – ang nonsurgical procedure that uses naturally-occurring substances that revitalizes and adds volume to the lips.

Lahat nang ‘yan ang mapapanood sa Salamat Dok sa ABS-CBN 7:30 am na mapapanood din sa ANC.

 

Show comments