Kung hindi ang baguhan at miyembro ng Star Magic Circle 2013 na si Lisa Soberano ay baka si Julia Montes naman ang maging kapareha ni Enrique Gil sa susunod niyang teleserye.
Maganda ang takbo ng career ng kabataang aktor na gumanap ng hindi malilimutang role sa Budoy at Princess and I. Hindi nga lamang siya nagkasuwerteng makahanap ng ka-love team sa mga nasabing palabas. Si Jessy Mendiola ay naagaw sa kanya ni Gerald Anderson sa serye at ni Matteo Guidicelli both in reel and real life habang si Kathryn Bernardo ay ka-love team na ni Daniel Padilla.
Herbert, Ogie, Joey, Dennis tanggap na may mas magaling na komedyante na kesa sa kanila
’Yun ang maganda sa mga old breed of comedian natin, hindi sila afraid na bigyan papuri ang maraming baguhan na sumusunod sa kanilang mga yapak na nagbibigay kasiyahan at nagpapatawa ng kanilang mga manonood. Marami kasing mga may pangalan na komedyante ang ayaw mag-acknowÂledge na puwedeng meron nang sumusunod sa kanila sa takot siguro na mapalitan at walang kumuha ng kanilang serbisyo.
Pero sina Quezon City Mayor Herbert Bautista, Ogie Alcasid, Joey Marquez, Dennis Padilla, Andrew E., at Randy Santiago ay puring-puri si Vice Ganda dahil sa pagiging witty nito.
“Mahihirapan ang sinuman na sabayan siya. Magaling siya, hindi nangaÂngailangan ng kabatuhan. Hindi tulad naming mga kaÂbilang sa old school of coÂmeÂdy na na-train lahat na suÂmunod sa instruction ng diÂrector. ’Yung mga bagong coÂmedian ngaÂyon, kasama na si Vice Ganda ay napaka-spontaneous, mabilis mag-isip,†papuri ni Ogie Alcasid sa napakasikat ngayong komedyante, na sinusugan naman ng tumatakbong congressman na si Joey Marquez.
“Mahusay siya at matalino. Perfect din ang timing niya sa comedy. Pero rito sa Raketeros ay walang baklaan, macho comedy ang babanatan namin,†say niya.
Hindi naman ito makakaapekto sa muling pagtakbo ni Mayor Herbert, o ni Dennis Padilla, sa pulitika dahil ipalalabas ang Raketeros pagkatapos ang eleksiyon. Dun na rin nila ito ipo-promote.
Kristoffer sinusuwerte sa Oros, naglilibot sa iba’t ibang international filmfest
Napakasuwerte ni Kristoffer Martin dahil ang indie film niyang Oros ay tinanghal na Best Feature sa 2013 DC Independent Film Festival na ginanap sa Washington, DC nung March 6-10. Tungkol ito sa pananamantala ng tao sa patay sa pamamagitan ng pagpapasugal sa burol na kadalasan ay wala naman talagang patay pero ginagawa itong hanapbuhay para lamang kumita at may mailagay na pagkain sa lamesa.
Nagkaroon na rin ng world premiere ang Oros sa US nung March 8. Napanood din ito sa Asiatica Filmmediale sa Italy, Vancouver International Film Festival sa Canada at makakasali rin sa Asean Filmfest sa Sarawak, Malaysia (March 28-30) at sa Cleveland, Ohio (April 3-14).
Debut ni Julia may 18 Red Tulips na, may 18 Treasures pa
Bongga naman ang preparasyon na ginagawa para sa nalalapit na debut ni Julia Montes. Wala na siyang problema sa magiging escort niya na gagampanan ni Coco Martin bagama’t ultimate wish niya ang makapiling ang kanyang German dad sa nasabing pinakamahalagang araw ng buhay niya.
Mala-fairytale ang magiging tema ng kanyang birthday party. Kulay red at nude ang ball gown ni Julia na gagawin ni Pepsi Herrera. Bukod sa 18 Red Roses, magkakaroon din siya ng 18 Red Tulips na lalahukan ng mga itinuturing niyang ama sa showbiz. Meron ding 18 Treasures.