Serye ni Sen. Lapid biglang eere!

SEEN: Ikinagulat ng marami ang big­laan na airing sa Lunes, March 18, ng Little Champ ng ABS-CBN.

Ang Little Champ ang unang­ teleserye ni Senator Lito Lapid bilang contract star ng Kapamilya Network.

SCENE: Ang da­ting child star na si Atong Redillas ang moderator sa debate nina Mayor Alfredo Lim at ex-President Joseph Estrada sa UP Manila noong Miyerkules. UP professor na ngayon si Atong.

SEEN: Hindi gaanong makinis ang balat ni Jerome Ponce, ang young actor na member ng Star Magic Circle 2013 at gumaganap na anak ni Richard Yap sa Be Careful With My Heart. Kailangan ni Jerome ang tulong ng mahusay na dermatologist upang kuminis ang kanyang mukha.

SCENE: Ang Dubai ang unang destination ng world tour sa March 29 ng cast ng Be Careful With My Heart ng ABS-CBN. Personal na makikita ng Filipino community sa Dubai sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap sa Indian High School, Qud Metha Dubai, 5 pm.

SEEN: Hilaw na mangga na isinasawsaw sa asin at asukal ang isa sa mga pinaglilihian ni Iwa Moto. Apat na buwan na ang sanggol na ipinagbubuntis ni Iwa at magiging panganay nila ni Pampi Lacson, ang estranged husband ni Jodi Sta. Maria.

SCENE: Ang dry run kahapon ng bagong weekly show ni Ogie Alcasid sa GMA 7. Isang milk company ang major sponsor ng show.

SEEN: Isang misa ang idinaos sa tahanan ng  mga Castro  noong March 10 dahil ginunita nila ang 67th birth anniversary ng veteran broadcast journalist na si Angelo Castro, Jr. na  suma­kabilang-buhay noong April 5, 2012

SCENE : Pansamantalang mawawala sa Councilor  Rode­rick Paulate bilang co-host ng H.O.T. TV dahil magsisimula sa April 1 ang kanyang pangangampanya. Re-electionist si Rode­rick sa 2nd District ng Quezon City.

Show comments