Nabasa ko ang article ni Tintin Bersola na may title na Being Gay at binasa ko rin ang artikulo ni Lea Salonga na halatang-halata na sagot niya sa isinulat ng una.
Nakatikim si Tintin ng mga batikos dahil sa kanyang mga opinyon tungkol sa pagkakaroon ng anak na baklita at tomboyita.
Pinupuri naman si Lea dahil sa malawak na pananaw niya tungkol sa kabadingan. Ang feeling ng mga bading at tomboy, nakakuha sila ng kakampi kay Lea.
Ang sabi ng mga intrigera, dati nang may rivalry sina Tintin at Lea noong kapwa sila nag-aaral sa isang school sa Greenhills. Continuation na lang ng rivalry nila ang kanilang mga artikulo tungkol sa kabadingan at katomboyan at ‘yan ang magandang imbestigahan ng mga intrigera. Ano nga ba ang pinag-ugatan ng silent rivalry nina Tintin at Lea noong mga grade school student pa sila?
BB loyalista sa bf na nasa Amerika
Nakita si BB Gandanghari na may mga kausap sa isang restaurant sa The Fort na venue rin ng anniversary party ng Philippine Entertainment Portal staff and writers.
Lalake ang mga kasama ni BB pero walang nagduda na baka may something-something sila dahil prangka naman siya sa pagsasabi na nasa US ang kanyang American boyfriend.
Ang sabi ng aking informer. Sumaglit at bumati si BB sa party ng PEP. Nagpasalamat siya sa lahat ng mga nanood ng kanyang stageplay na Halik ng Tarantula.
Pep isang taon mamimili ng mga mananalo sa ‘list!’
Very happy ang PEP Editor in Chief na si Jo-Ann Maglipon dahil successful ang anniversary celebration at ang grand launch ng The PEP List.
Ang The PEP List and pagbibigay parangal ng PEP sa mga artista’t personalidad na nagkaroon ng makabuluhang bahagi sa entertainment industry sa loob ng isang taon.
“Our year-long goal is to come up with a list, which we hope, will become the most reliable showbiz meter, “ ang sey ni Mama Jo-Ann.
“Hindi basta-basta laundry list ang gagawin ng PEP Team. The selection process will be tedious but we have a year to monitor, deliberate and choose.â€
Bibigyan ng parangal sa The PEP List ang TV Show of the Year, TV Male and Female Star of the Year, Showbiz Treasure of the Year, Child Star of the Year, Breakout Star of the Year, Pinoy Pride, OPM Artist of the Year, FAB Award,The Good Samaritan, Staff Reporter of the Year, Top Three Contributors, at ang huÂling parangal ay mapupunta sa star na may pinaka-exciting na interview.
Mahalaga raw sa PEP ang opinyon ng kanilang readers kaya may katapat na parangal base sa boto ng mga mambabasa o PEPsters ang bawat kategorya.
Ang pagbibigay ng parangal ay magaganap sa February 14, 2014.
Ibang artista ayaw
Ayaw ng ibang mga artista na isadula sa TV o pelikula ang kanilang mga life story. Hindi nila type na dinaragdagan ang kuwento para maging madrama ito at makuha ang atensiyon ng publiko.
Ewan ko nga ba kung bakit kailangan pa na mag-imbento ng kuwento dahil maliwanag na panlilinlang ‘yon ‘no!