Little Champ sisipa na, Kahit Konting Pagtingin tsugi!

MANILA, Philippines - Tatakbo na ngayong Lunes (March 18) ang drama-fantaserye ng ABS-CBN na mamarkahan ang unang paglabas ng newest Kapamilya child wonder na si JB Agustin at ang unang sabak sa teleserye  ng isa sa mga hari ng  aksiyon na si Lito Lapid. Matagal-tagal ding natengga ang Little Champ.

Ayon kay Lapid, na-excite siya sa konsepto ng istorya dahil sa mga kabayo. “Ito kasi merong fantasy, may nagsasalitang kabayo, may comedy, may drama, at napakagaling ni Caloy, ‘yung bata. Ang galing niyang umarte,” aniya.

Mula sa direksiyon ni Richard Arellano, Dondon Santos, at Mervyn Brondial, umiikot ang istorya sa simpleng buhay nina Caloy, mga magulang na Lucas (Jhong Hilario) at Helen (Precious Lara Quigaman), at alagang kabayong si Chalk.

Nang aksidenteng mahulog sa kabayo at mamatay ang anak ng mayamang hacienderong si Miguel (Jake Roxas) ay sisisihin niya ang kaibigang si Caloy na kasa-kasama habang nangangabayo. Upang makatakas sa hagupit ni Miguel, mapapadpad sina Caloy at Chalk sa poder ni Leon del Torro (Lapid), isang baranggay captain.

Maglalaban ang puwersa ng kabutihan at kasamaan nang mahulog sa lupa ang isang bulalakaw na magbibigay ng kapangyarihan kina Chalk at Caloy. Dahil dito, makakapagsalita at magkakaroon ng pambihirang lakas ang sakiting si Chalk samantalang magkakaroon din si Caloy ng kakaibang kakayahan na gagamitin niya upang maghiganti.

Mapapanood din sa serye sina Mickey Ferriols, Coleen Garcia, Renz Fernandez, Alex Calleja, Paolo Serrano, Katya Santos, Ruben Gonzaga, at Sofia Millares, with the special participation of Jolo Revilla.

Mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN.

Meaning babu na sa ere ang Kahit Konting Pagtingin na pinagbibidahan nina Angeline Quinto, Sam Milby, at Paulo Avelino?

Kung sabagay maraming pumupuna na hindi talaga nakakaakting si Angeline. Puro pagpapa-cute lang.

Siguro nga mas maiging maging singer na lang siya.

GMA News videos, mapapanood na sa mobile phone

May magandang balita ang GMA News sa mobile news consumers, dahil maaari na ring sundan ang mga maiinit na pangyayaring ipinalabas sa telebisyon gamit ang kanilang mga mobile devices.

 Bukod sa news articles, naglalaman na rin ng video clips mula sa iba’t ibang GMA News programs ang updated version ng GMA News mobile application for iOS na maaa­ring i-download nang libre sa Apple App Store.

 Maaari ring piliin ng users ng GMA News Online v2.0 for iPhone, iPad and iPod kung aling mga seksiyon sa website ang nais nilang lumabas sa phone o tablet nila. Bukod pa rito, puwede ring mag-display ng 10 hanggang 15 articles mula sa bawat seksiyon na kanilang napili.

 â€œWe just want to be where news consumers are going.­ Our improved app combines two exploding trends – mobile and online video,” pahayag ni GMA News Online editor-in-chief and GMA Network VP for Multimedia Journa­lism Howie Severino.

 Aniya, mga piling GMA News videos muna ang mapapanood sa GMA News mobile app, ngunit kalaunan ay madaragdagan pa ang mga ito.

 Gawa ng New Media, Inc., ang updated app na ito ay naglalaman ng links papunta sa You­Scoop app sa iTunes, gayon din sa GMA News mobile site, Twitter profile, at Facebook page.

Wilson Lee Flores naging speaker sa Rotary Makati West

Naging guest speaker sa Rotary Club of Makati West si Philippine Star columnist, realty entrepreneur at college professor Wilson Lee Flores sa ballroom ng Mandarin Oriental Hotel sa Makati noong nakaraang Huwebes. Ilang beses nang pinarangalan si Wilson Lee Flores bilang manunulat at nanalo ng tatlong Palanca literary awards at 11 Catholic Mass Media Awards (CMMA).

Ikaw na Wilson!

Subas Herrero namatay na!

Namatay na ang komedyanteng si Subas Herrero. Nalagutan siya ng hininga sa Rochester, New York kahapon, Biyernes (Manila time). Siya ay 69 years old.

Mismong ang asawa nitong si Maripaz ang nagbalita sa nangyari sa actor sa pamamagitan ng message kay John Lesaca.

Namahinga na sa showbiz si Herrero nang ma-stroke siya.

Isa siyang magaling na actor noong kanyang kapanahunan at sumikat na Champoy.

 

 

Show comments