Hindi naman si Lovi Poe ang tipo na magkukunwaring ikakampanya ang kanyang ‘kapatid’ na tumatakbong senador ng bansa. Talagang bukal sa kanyang kalooban ang pagtulong kapag hiningi ito ni Grace Poe Llamanzares. At kahit hindi nito hingin ang kanyang tulong, she will do it in her own way, quietly, if had her way.
‘Yun ang kapatid! Hindi nangangailangang ipangalandakan ang mabuting bagay na gagawin niya. Hindi tulad ng maraming artista na ang pagtulong ay bunga lamang ng malaking bayad na matatanggap nila o ng publisidad na makukuha nila.
Magaling na direktor tuluyan na ring namaalam
Isa na namang magaling na direktor ang namatay, si Danny Zialcita, direktor ng mga magagandang pelikula tulad ng Langis at Tubig, T-Bird at Ako, Palabra de Honor, Dear Heart, at marami pang iba. Nakikiramay ako sa kanyang mga naulila.
Kylie may balon ng luha!
Talagang pagdating sa iyakan ay palaban si Kylie Padilla. Maging sa beteranang si Lorna Tolentino ay puwede siyang ilaban ng paramihan ng luha. Mukhang hindi sila parehong mauubusan ng luha. Ang dami-dami nilang imbak ng mahalagang likido na ito na madali nilang nagagamit para magpakita ng lungkot.
Si LT, hindi ko na pagtatakhan na mabilis umiyak. Malaki na ang karanasan nito bilang artista. Pero si Kylie, saan nanggagaling ang balon niya ng luha? Hindi naman siguro ganun kalungkot ang buhay niya. Masaya rin naman ang love life niya. Bakit ang dali-dali niyang umiyak sa Unforgettable at sa mga nakaraan niyang roles?