Nagpaliwanag ang aktor na na-blind item na sa shooting ng kanyang pelikula, lumapit ito sa kanilang director at tinanong daw ang director kung sa palagay ba nito (ng director) kikita ang kanilang pelikula?
Ang sabi, hindi ang director ang na-offend kundi ang staff ng director na nakarinig sa pagtatanong ng aktor. Dahil sa ginawa ng aktor, nabansagan itong lumaki na ang ulo at yumabang dahil pati trabaho ng director at publicist na tutulong magbenta ng pelikula ay pinakikialaman at pinangungunahan.
Anyway, nakausap namin ang aktor sa shooting ng ginagawang pelikula, na-misquote raw siya at hindi eksaktong ganoon ang kanyang sinabi sa kanyang director. Bilang artista, gusto niyang kumita ang pelikula na leading man siya, kaya lumapit siya sa kanyang director at tinanong ito kung ano ang puwede niyang gawin para makatulong na mas kumita ang ginagawang pelikula.
Dagdag pa ng aktor, mataray ang kanyang director at kung talagang tinanong niya ito kung kikita ang pelikula nila, magagalit ito sa kanya at baka nasigawan pa siya. Pero maganda ang dating ng kanyang sinabi sa director kaya hindi nagtaray.
Ang hindi maintindihan ng aktor ay kung sino ang nakarinig sa kanya, ikinuwento ang narinig, pero mali-mali naman ang itsinika.
LT atat nang magbakasyon
Magtatapos ngayong Biyernes ang Pahiram ng Sandali, ang soap na hindi malilimutan ni Lorna Tolentino dahil dalawang eksena lang siya masaya. Karamihan sa kanyang mga eksena’y malungkot siya, namumurublema at umiiyak. Feeling ng aktres, balding luha ang inilabas niya dahil may shooting day na wala siyang ginawa kundi umiyak nang umiyak.
Kaya naman, bago tumanggap ng bagong project, magbabakasyon muna ng bongga si LT. Sa March 19, sisimulan niya ang bakasyon at Hongkong ang unang pupuntahan. Naka-plano rin siyang pumunta sa Bangkok at Boracay at sa iba pang lugar para makabawi.
Sa July 2, Paris bound si LT kasama si Lolit Solis, nakialam ang press at nag-suggest na dumeretso sila sa Germany, Switzerland at ibang parts ng Europe. Bakasyon grande ang gagawin ni LT.
Perpetua pagbibidahan nina Susan at Boots
Maganda ang Lenten Special ng APT Entertainment ni Mr. Tony Tuviera dahil pinagsama ang dalawang magagaling at magagandang veteran actressess na sina Susan Roces at Boots Anson-Roa. May pamagat na Perpetua, gaganap silang mga asawa ni Lito Legaspi, pero sa 50th anniversary lang nina Susan at Lito malalamang babae nito si Boots.
Sabi ni Rams, ‘wag palalampasin ang Perpetua na script and directed ni Phil Noble at mapapanood sa March 30, Black Saturday.
Sunshine Dizon bawal nang magpuyat
“I don’t really mind mother roles,†sagot ni Sunshine Dizon nang tanungin ng press kung okey lang sa kanya na gumanap na ina ni Lauren Young sa Mundo Mo’y Akin, pero si Louise delos Reyes ang makikilalang anak at aalagaan.
Hindi nalalayo ang edad ni Sunshine kina Louise at Lauren, she’s 29 years old at early 20s ang dalawa, pero ‘yun daw ang challenge, ang magampanan ng tama at maganda ang role ni Perlita.
Sunshine is married to Timothy Tan at ina kina Doreen (2 years old) at Anton (nine months). Sa tanong kung masaya siya sa buhay niya ngaÂyon, may kasamang ngiÂti ang sagot na “Yes! Happy and at peace, very peaceful ang buhay ko. The perfect word is peaceful and I’m very peaceful,†sagot nito.
One-year exclusive contract ang pinirmahan ni Sunshine sa GMA NetÂwork, two soaps ang kanyang gagawin, una ang Mundo Mo’y Akin. Kasama sa kontrata niya ang ibinigay na cut-off sa taping niya dahil sa Guagua, Pampanga pa siya umuuwi.