Julia tuloy pa rin ang paghahanap sa German na ama!

MANILA, Philippines - Wini-wish pa rin ni Julia Montes na makasama ang kanyang German na ama na hindi pa niya nakikita kahit kailan. Pero malabo itong mangyari sa kanyang 18th birthday sa March 19. “Siguro in God’s perfect time, makikita ko rin siya,” sabi ng young actress na magkakaroon ng bonggang debut sa mismong araw ng kanyang birthday na gaganapin sa Fernwood Gardens.

Ang huling balita nila sa kanyang ama, may sakit ito at nasa Australia. Pero bukod doon wala na silang alam. Ang kaibigan lang ng ama ang pinagtatanungan nila.

Sinubukan ni Julia na sulatan ang ama na tulad ng kanyang ina ay isang deaf and mute din pero hindi ito sumagot. “Sumulat ako sa alam kong address niya pero hindi na siya sumagot,” susog niya.

Pero sa kabila nang pananabik niyang makapiling ang ama, excited siya sa mangyayari sa kanyang debut na Mid-Summer Nights ang theme. Siya ang personal na namili ng theme kung saan didisenyuhan ng blush pink flowers and butterflies para mag-compliment sa theme ng venue.

Inaasahang darating na naka-formal attire ang mga bisita – colored cocktail dress habang ang kalalakihan ay mga naka-black and white tuxedo. Ang debutanteng si Julia ay tatlong gown ang isusuot na gawa ni Pepsi Herrera.

Magiging highlights ng debut ay ang 18 Roses, 18 Treasures, and 18 Tulips kung saan magiging bahagi ang kanyang mga kaibigan at mga nakatulong sa kanyang career.

Kasama sa 18 Roses sina John Medina, PJ Endrinal, Albie Casino, Arron Villaflor, Robi Domingo, Sam Concepcion, Joem Bascon, Khalil Ramos, Erique Gil, Daniel Padilla, Paulo Avelino, Rayver Cruz, Sam Milby, Jake Cuenca, Richard Gomez, John Lloyd Cruz. Coco Martin, and ABS-CBN Business Unit Head Mr. Deo Endrinal.

Kasama naman sa 18 Treasures sina Reggie Amigo, Ambie Burac, Dagang Vilbar, Julie Ann Benitez, Wenny Lindayag, Tippy Dos Santos, Miles Ocampo, Liezel Garcia, Eda Nolan, Melissa Ricks, Dimples Romana, Maricar Reyes, Denise Laurel, Kathryn Bernardo, Janice de Be­len, Dawn Zulueta, Helen Gamboa, and Susan Roces.

Idinagdag niya ang 18 Tulips dahil hindi na kasya sa 18 Roses and Treasures ang ilan pang pasasa­lamatan at naging bahagi ni career niya. Karamihan sa magiging bahagi ng 18 Tulips ay mga direktor na naisip niyang idagdag dahil sa pelikula nilang A Moment In Time ni Coco Martin.

Magpe-perform naman sina Jed Madela, Christian Bautista, Bugoy Drilon, Daddy’s Home, Nyoy Volante and Richard Poon. Magiging host naman sina Robi Domingo and Matteo Guidicelli.

Hindi masyadong nagtatanong si Julia sa mangyayari sa party pero lalabas dito ang pagiging bata niya.

Regalo niya sa sarili ang trip to Bangkok kasama ang buong pamilya at pagpapatayo pa ng isang bahay para sa kanilang lahat.

Nauna na siyang nakapagpatayo ng bahay para sa kanila ng kanyang lola at ina. 

Show comments