MANILA, Philippines - Idedetalye ni Gus Abelgas ang karumal-dumal na pag-gang rape sa isang siyam na taong gulang na bata sa loob ng isang linggo na nauwi sa kanyang pagkamatay ngayong Sabado (March 16) sa SOCO sa ABS-CBN.
Tinangay umano ng apat na lasing na lalaki si Zosimae sa mismong araw ng Pasko noong 2012. Ginawang sex slave ang biktima na binusalan at halinhinang ginaÂhasa nang halos tatÂlong beses umano sa isang araw.
Labindalawang araw matapos ang kanyang pagkawala, natagpuan na lamang ang bangkay niyang naaagnas at natatabunan ng basura sa ilalim ng isang silong sa nasabing barangay.
Umamin na ang mga suspek sa krimen ngunit binawi ito at ngayo’y mariing itinatanggi ang kanilang ginawa. Mabigyan kaya ng kataruÂngan ang kalunus-lunos na sinapit ni Zosimae?