SEEN: Dumagsa ang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa premiere night ng Must Be… Love sa SM Megamall CineÂma sa Mandaluyong City noong Martes. Ang tandem nina Daniel at Kathryn ang hottest love team ng bansa sa kasalukuyan.
SCENE: Ngayon ang 38th birth anniversary ng yumaong aktor na si Rico Yan. Good Friday nang mamatay si Rico sa Dos Palmas Resort, Palawan noong March 29, 2002 at Good Friday uli sa March 29, 2013.
SEEN: Tumaba na si Jen Da Silva, ang ex-Pinoy Big Brother housemate na idinemanda ni RR Enriquez dahil sa mga tumalbog na tseke.
Malaki ang utang kay RR ni Jen, ang kapatid ng nakakulong na aktor na si Dennis Da Silva at asawa ni Donnie Geisler, ang kapatid ni Baron Geisler.
SCENE: Si ex-President Joseph Estrada ang nanalo sa debate nila ni Mayor Alfredo Lim sa Umagang Kay Ganda noong Martes dahil nagpakita ng pagkapikon ang Dirty Harry ng Maynila. Ang pikon, talo.
SEEN: Dinalaw ni Aiko Melendez si Gretchen Barretto sa dressing room nang mag-taping ito para sa Toda Max. KailaÂngan pa ni Aiko na magpapayat upang hindi siya mapagkamalan na mas matanda kay Gretchen.
SCENE: Ang balita na mapapaaga ang pagwaÂwakas ng Forever, ang afternoon fantaserye nina Heart Evangelist at Geoff Eigenmann sa GMA 7 dahil hindi mabenta sa televiewers ang kuwento ng kanilang programa.
SEEN: Puring-puri ni Robin Padilla si Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Chito Salud dahil sa parusa na ipinataw nito sa PBA import na si Renaldo Balkman. Lifetime ban sa paglalaro sa PBA ang parusa ni Salud kay Balkman dahil sa pananakal nito sa kanyang teammate na si Arwind Santos.
SCENE: Huwag Ka Lang Mawawala ang bagong pamagat ng Against All Odds, ang ABS-CBN teleserye nina Judy Ann Santos, KC Concepcion, at Sam Milby.