^

PSN Showbiz

Unang ipinagdasal na matanggal Shaina naialis na ang galit kay John Lloyd

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Inamin ni Piolo Pascual sa kanyang pahayag kamakailan na madalas silang nakikitang magkasama ni Shaina Magdayao dahil maraming mga bagay ang ginagawa nilang dalawa na magkasama. Marami tuloy ang nag-isip na mayroon ng espesyal na pagtitinginan sina Piolo at Shaina. Ano kaya ang reaksiyon ni Shaina tungkol sa isyu?

“Ayokong bigyan ng malisya kung anumang friendship meron kami. But I just want to say thank you dahil naa-appreciate niya ako bilang tao,” nakangiting pahayag ni Shaina.

“Parang pangit na pangunahan or pangit na bigyan ng malisya ’yung friendship na ibinibigay niya sa akin. Natutuwa lang ako at naa-appreciate niya ako.”

Handa na bang muling maki­pag­relas­yon si Shaina pagkatapos ng kontrobersiyal na hiwalayan nila ni John Lloyd Cruz noong isang taon? “Kalma muna ako, makikinig muna ako sa lahat. I really just want to enjoy para magaan lang ang buhay ko. Working, exercising, lahat ng taong nakapaligid sa akin ngayon magaan kasama,” sagot ni Shaina.

Sa ngayon ay wala nang galit sa puso ng aktres at naka-move on na siya kay John Lloyd.

“’Yun ang una kong dinasal, na mawala ‘yon. ’Di ka makakapag-fully move on kung nandun ‘yon sa puso mo. You have to be free from it, from all the negativity, para maging totoong masaya ka,” giit pa niya.

Khalil, hihinto na sa pag-aaral

Kasama si Khalil Ramos sa Star Magic Circle 2013 na inilunsad kamakailan. Masayang-masaya raw ang binata dahil nakasama siya rito. “Being part of the circle is really amazing. Ang Star Magic, ang galing nila mag-alaga. Ngayon I’m doing workshops for everything. Hopefully in future projects I’ll be acting more. I would also like to explore if ever, I want to do comedy, action. And as an actor, masasabi ko rin naman na I’m an actor na rin. So as an actor I want to explore the world of acting naman,” bungad ni Khalil. Kasamahan din niya sa bagong batch ng Star Circle si Julia Barretto at aminado si Khalil na crush niya ang dalaga. “First time ko naging vocal sa babae. I admire her for who she is and what she is to me. So I like her for that. We’re close friends and it’s really nice,” pagtatapat ni Khalil. Samantala, ngayong buwan ay magtatapos na si Khalil ng high school at balak daw niyang tumigil muna sa pag-aaral para mag-focus muna sa pag-a-artista. “I talked to my mom, my handler and Mr. M (Johnny Manahan) about it and I’m going to take a year off of school muna. I’m going to work because I want to see kung what’s in store for me here. So magfu-full time ako and hopefully maging successful itong year na ito,” pagtatapos ni Khalil. -Reports from JAMES C. CANTOS

                    

ANG STAR MAGIC

BUT I

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

JOHNNY MANAHAN

JULIA BARRETTO

KHALIL

SHAINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with