Future stepson iba ang ginawa sa mga sinabi Pauleen iyak nang iyak nang isnab-isnabin ni Oyo sa Eat Bulaga

MANILA, Philippines - Nakitang iyak nang iyak si Pauleen Luna sa Eat Bulaga last Saturday.

Ang rason, ayon sa source, inisnab siya ni Oyo Sotto nang magkasalubong sila sa Hallway ng studio ng Bulaga.

Si Pauleen daw ang unang bumati sa kanyang future stepson pero hindi ito kumibo, as in dedma. Eh nasa Bulaga si Oyo para sa promo ng Vampire ang Daddy Ko na nagsimulang umere last Saturday.

Ang dami raw nakakita, so, napahiya si Pauleen kaya napaiyak na lang ito.

Pero hindi alam ng source kung ano ang reaction ni Vic Sotto dahil ang girlfriend lang ang nakita nilang iyak nang iyak.

May ilang sumubok na hingan ng reaction si Pauleen pero hindi raw ito sumasagot.

Pero bakit naman kaya ganun ang ginawa ni Oyo samantalang nang magpa-interview siya ay sinasabi niyang wala siyang galit sa girlfriend ng kanyang papa at kung saan maligaya ang ama ay wala sa kanilang problema? Eh bakit kaya inisnab niya?

Jose at Wally may kakaibang gagawin

Bukas na ang pinakahihintay na concert nina Jose Manalo and Wally Bayola, ang The Jose and Wally Concert, a Party for Juan and All.

Pangungunahan ng Bossing ng Bayan na si Vic Sotto ang mga magdadagdag ng aliw sa second major concert nila ng dalawang sikat na komedyante sa Smart Araneta Coliseum, March 15, 8:00 p.m.

Pero hindi pa alam nina Wally and Jose ang gagawin ni Bossing pero balitang kakaibang gimik at kanta ang inihahanda ni Vic bilang suporta sa kapwa Dabarkads ng Eat Bulaga na pagdating sa pagpapatawa at kalokohan at eksperto na.

At mas inaabangan ang gagawin ng bagong child sensation na si Ryzza Mae Dizon na hindi lang basta chacha.

At makakasama rin nila si Gary Valenciano na nag-guest na rin sa unang concert nina Jose and Wally. At maging siya pala ay part ng brainstorming sa kanilang segment ni Wally kung saan ay kayang-kaya sa kanyang makipagsabayan sa kantahan at sayawan.

Sayang nga raw at ‘di puwede si Martin Nievera na idolo naman ni Jose. Kung nagkataon ay may showdown sana sila.

Pero ’di bale, nakuha naman nila si Bamboo, at si Ogie Alcasid na siyang makaka-showdown ni Jose.

And this time makakasama nila sina Dingdong Dantes and Jericho Rosales. Sa first concert nila ay sina Dennis Trillo and Aljur Abrenica. For the first time makakasama nila si Pokwang. Itutuloy ng tatlo ang ginawa nilang pagpapatawa sa kanilang pelikula noon.

Pasabog din daw ang mga susuutin ni Pokwang.

Nangako rin sina Wally and Jose na ibang-iba ang kanta at jokes nila kesa sa nauna nilang concert sa Araneta rin.

Mabibili ang tickets sa Ticketnet outlets sa SM Department Store Customer Service at sa Smart Araneta Coliseum ticket booths or call 911-5555.

  

 

 

Show comments