MANILA, Philippines - Ginawaran ng kaliwa’t kanang parangal ang Kapatid Network sa tatlong magkakasunod na pagkilala kamakailan.
Maliban kasi sa tatlong Anvil Awards na nakuha nito mula sa Public Relations Society of the Philippines (PRSP), kinilala rin ng ika-7 na Hildegarde Awards for Women in Media and Communication ang programang Relasyon ng Radyo Singko bilang Outstanding Achievement in Broadcast Media. Ang nasabing parangal ay mula sa Mass Communication Department ng St. Scholastica’s College Manila. Napapakinggan ang Relasyon mula Lunes hanggang Biyernes, 12:00 n.n. hanggang 2:00 p.m. kasama ang hepe ng NEWS5 na si Luchi Cruz-Valdes at TV5 resident legal analyst na si Atty. Mel Sta. Maria.
Samantala, wagi naman sa ika-9 na USTv Students’ Choice Awards ang Talentadong Pinoy bilang Best Reality Show. Itinuturing ang Talentadong Pinoy bilang pinaka-kinikilalang reality show sa bansa makaraang magkamit ito ng samu’t saring pagkilala sa loob at labas ng Pilipinas, kabilang na ang dalawang nominasyon sa Asian TV Awards.
Sa nakaraang ika-11 na Gawad Tanglaw (Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong GumagaÂlaw), mula sa grupo ng mga dalubguro, anim na programa at personaliÂdad mula sa Kapatid NetÂÂwork ang idineklarang pinaka-natatangi sa iba’t ibang kategorya.
KaÂbilang sa mga piÂÂnaÂÂrangalan ay sina PaoÂlo Bediones bilang Best News Program AnÂÂchor, Public Atorni bilang Best Public Affairs Program, The Million Peso Money Drop bilang Best Game Show, Untold Stories bilang Best Drama Anthology, Cristy Fermin bilang Best Entertainment CoÂlumnist (Filipino), at DolÂly Anne Carvajal bilang Best Entertainment CoÂlumÂnist (English) Hall of Famer.
Dahil sa sunud-suÂnod na pagkilala sa KaÂpatid Network, asahan ang pagpapatuloy ng pagbÂÂibigay-saya at serÂbisÂyo ng TV5 sa lahat ng Pilipinong maÂnonood naÂsaan man sila sa mundo.