MANILA, Philippines - Ipalalabas na sa March 30 ang It Takes a Man and a Woman, ang kontrobersiyal na pagbabalik-big screen ng isa sa well-loved couples sa bansa na sina Laida Magtalas (Sarah Geronimo) at Miggy Montenegro (John Lloyd Cruz), na matapos ang apat na taon na relasyon ay umamin kamakailan na magkahiwalay na.
Mula sa A Very Special Love na humataw ng P176 million sa takilya noong 2008 at sa You Changed My Life na kumita noong 2009 ng P209 million sa box office, isang biggest love reunion ang magaganap ngayong 2013 dahil ang tambalang pinaka-nagpangiti, nagpatawa, at nagpakilig sa buong bayan ay muling magsasama nila sa pelikulang It Takes a Man and a Woman upang ibahagi sa lahat ang mga naganap sa kanilang samahan sa mga nakalipas na taon.
Bakit nga ba humantong sa hiwalayan ang dating mag-bebe na sina Laida at Miggy? Totoo nga bang binalikan ni Miggy ang ex-girlfriend niyang si Belle (Isabelle Daza)? Sa muli nilang pagtatagpo, posible pa kaya ang isang happy ever after kina Laida at Miggy o sadyang tapos na ang lahat sa kanila?
Handog ng Star Cinema at Viva Films, ang It Takes a Man and a Woman ay sa ilalim pa rin ng direksiyon ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina.
Ipalalabas na sa mga sinehan nationwide sa March 30 (Black Saturday).
Hindi naman kaya magselos si Angelica ÂPaÂÂÂngaÂÂÂniban sa magiging promo nina Sarah at John Lloyd?