Pop Talk magse-2nd anniversary sa Batanes

MANILA, Philippines - Simula ngayong Martes, tunghayan ang two-part special para sa pagdiriwang ng second anniversary ng Pop Talk tampok ang kakaibang island adventures mula sa pinakahilagang bahagi ng bansa – Batanes.

Ang Batanes ay isang picture-perfect paradise na napaliligiran ng malalawak na rolling hills, makalaglag-pangang cliff at rock formations, at makapigi­l-hiningang seascape. At sa unang espesyal na anniversary episode, ang mga isla mismo ang rerebyuhin ng Pop Talk! 

Host si Tonipet Gaba.

Ang ‘Pop Talk,’ isang weekly review and pop culture show kung saan pinag-uusapan kung sino, ano, at saan ang ‘uso,’ ‘hot’, at ‘trending’ ngayon, ay pinarangalan ng Anak TV sa loob ng dalawang taon simula noong 2011.

Sama na sa inter-island adventure ngayong Martes sa Pop Talk: 2nd Anniversary Special Part 1: Batanes Islands, March 12, Martes sa ganap na 10:00 p.m. sa GMA NewsTV.

Show comments