Sayang at hindi nakabilang sa batch ng Star Magic Circle 2013 ang anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana na si Andrei Yllana at ang anak ni Benjie Paras kay Jackie Foster na si Andre Paras. Both are enrolled in Ateneo at in their teens. Magaganda ang plano sa kanila ng ABS-CBN.
Samantala, dahil marahil sa kabilang sila o nagmula sa itinuturing na showbiz royalty sa local showbiz kung kaya marami ang naniniwala na mas malaki ang tsansa nina Julia Barretto, Julian Estrada, at Janella Salvador na mas maunang sumikat sa siyam na kasamahan nilang napili para bumuo ng Star Magic Circle 2013.
Bukod sa talaga namang nagtataglay ng ganda na mas namumukod sa maraming tulad nilang baguhan sa showbiz, napaka-articulate ng 15 taong gulang na anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla at pamangkin nina Claudine at Gretchen Barretto. KaÂiÂlangan na lang patunayan niya na may galing siya sa pag-arte na tulad ng kanyang mga sikat na kamag-anak at made na siya.
Apo naman ni dating Pangulong Joseph “Erap†Estrada at anak ni Sen. Jinggoy Estrada na nagsimula sa pag-aartista pero nauwi sa pagiging pulitiko ang unang napanood na gumanap na anak ng kanyang tunay na ama sa Katas ng Saudi at nasa ikalawang taon sa high school sa OB Montessori si Julian, pinaka-mahiyain siguro sa 12 miyembro ng batch nila.
Anak din ng mga popular na singer si Janella, 14 years old at mas kilala sa pagiging anak ni Sir Chief sa Be Careful With My Heart. Anak siya ng parehong singer na sina Jenine Desiderio na naging Miss Saigon at rock star na si Juan Miguel Salvador. Isa rin sa 11 kasamahan niya sa Star Magic na may crush kay Daniel Padilla. Ang isa pa ay si Lisa Soberano.
Sa 12 magkakasama, beauty pageant material sina Lisa Soberano at Ingrid dela Paz.
Unang napanood si Lisa sa Kung Ako’y Iiwan Mo bilang kapatid ni Jake Cuenca. Mapapanood siyang muli sa Must Be… Love, unang tambalan sa pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Labin-limang taong gulang lamang si Lisa at alaga ng katotong Ogie Diaz.
Ang isa pang puwedeng-puwedeng sumabak sa mga beauty contest ay si Ingrid, 18, 5’7†at isang discovery ni ABS-CBN President and CEO, Charo Santos-Concio sa Gawad Eugenio Lopez na kung saan ay naging usher siya. Nasa FEU siya at kumukuha ng kursong MassComn.
Marami na ang nakakikilala kay Kit Thompson dahil nakasama siya sa pinakahuling edisyon ng Pinoy Big Brother Teens. Katulad ni Lisa, kasama rin siya sa cast ng Must Be… Love.
Sina Michelle Vito, 15, Jerome Ponce, 17, at Khalil Ramos, 16, ay mga pamilyar na mukha na rin sa TV having starred in Aryana (Michelle), Princess and I (Khalil), at Be Careful With My Heart (Jerome). Si Khalil madaling matatandaan dahil open ang pagsasabi na crush niya si Julia Barretto bukod pa sa magaling siyang singer. Ganun din si Jerome na suwerteng napasama sa episode nina Maya at Sir Chief. Ganun din si Michelle na nagpamalas ng husay sa pag-arte sa Aryana.
Marami naman ang maiintriga kay Alex Diaz dahil na-pursue ang kanyang pag-aartista kahit tutol ang kanyang ama. Kumukuha ito ng marketing management sa Enderun Colleges at nasa dean’s list.
Si Jane Oinesa naman ay sisikat nang husto kapag nanalong best actress sa New York TV Festival para sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya. Pero matalo man siya, nagawa na niyang maipakilala ang kanyang sarili bilang isang mahusay na artista simula pa nang makasama siya sa orihinal na cast ng Goin’ Bulilit.
Si Jon Lucas naman ay una kong nakilala bilang Mr. Olive C. Ewan ko kung bakit hindi ito kasama sa kanyang credentials. Kasalukuyan sjyang napapanood sa Kahit Konting Pagtingin.
Maswerte ang Star Magic Circle dahil lahat nila ay exposed na at may mga pangalan na. Kahit paano ay kilala na sila. At considering the fact that lahat sila ay may edad from 14 to 18, maaga silang nagsimula ng kanilang career. They have all the time to succeed.
Darling of the Press pinaka-pinagdebatehan
By the time na lumabas ito ay alam na ang winners ng Philippine Movie Press Club Star Awards for Movie. It’s safe to say na ang pinaka-pinagdebatehang categories ay ’yung sa best actress, best actor, best movie and indie movie, new movie personalities, at Darling of the Press. Yes, ang Darling of the Press, dahil bawat miyembro ay may kanya-kanyang “darlingâ€, na hindi lamang friendly kundi ’yung talagang naging mabuting tao hindi lamang sa mga taga-PMPC kundi maging sa mga kakilala nila.