Naawa nga ako kay Cacai Bautista nang marami ang kumontra sa sinasabing relasyon nila ng Thai superstar na si Mario Maurer. Lalo na nung pareho silang hindi pa umaamin na friends lang sila. Nakakainsulto talaga para kay Cacai na ayaw paniwalaan na puwedeng kainlaban ng isang guwapo at sikat na lalaki. Sayang at friends lang pala sila.
Mas gusto ko kasing malaman kung hanggan saan aabot ang disbelief ng tao sa posibilidad na magkainlaban ang dalawa. Will they hate Cacai? Mapatay kaya nila ang komedyante sa inggit?
Daniel hindi tinablan ng mga paninira
Eat your heart out, kayong mga detractor ni Daniel Padilla. Dahil halos nabenta na ang lahat ng upuan ng Smart Araneta Coliseum sa gagawin niyang birthday concert na gagastos talaga mapanood lamang siya!
Huwag nang magmagaling dahil kumakanta naÂman talaga ang batang aktor. Bago nag-artista at hanggang naman ngayon ay may banda siya. HinÂÂdi lang naman siya proÂdukto ng suwerte. May taÂÂlento naman siya na magagamit na tuntungan para sumikat.