MANILA, Philippines - Magsisilbing pinakamalaking gabi para sa kasaysayan ng raÂkenrol sa Pilipinas dahil tutugtog ang isa sa mga pinaka-premyadong banda mula sa Amerika – ang Aerosmith – ngayong Mayo 8 sa SM MOA (Mall of Asia) Arena sa Pasay City.
“The old Aerosmith is back with a new vengeance, and we will kick you’re a** and make out with your mothers,†pabirong deklarasyon ni Steven Tyler, ang tanyag na mang-aawit ng Aerosmith at dating hurado ng pinakasikat na timpalak sa buong daigdig, ang American Idol.
Tinaguriang “America’s Greatest Rock and Roll Band,†ang Aerosmith ay nakapagpamalas na ng kakaibang lakas at galling sa pagsulat ng mga magagandang awitin at pagtugtog sa malalaking mga konsiyerto sa buong mundo sa loob ng higit apat na dekada.
Kamakailan lang ay ipinagdiwang ng banda ang kanilang ika-apatnapung anibersaryo. Nakatanggap na ang banda ng maraÂming awards, kasama na ang labinlimang Gold at multi-Platinum Records, apat na Grammy Awards at pagsama sa Rock and Roll Hall of Fame noong taon 2001. Sila ay itinuturing na pang-labingtatlo sa pinakamaraming naibentang album sa kasaysayan ng Estados Unidos, na may 66.5 milyong album na naibenta sa US at 150 milÂyon sa buong daigdig.
Sila ay nakilala dahil sa napakarami nilang hit singles gaya ng Crazy, Cryin’, Dude Looks Like a Lady, I Don’t Want to Miss a Thing, What It Takes, at marami pang iba. Ang tinaguriang “Bad Boys from Boston†ay naglabas ng bagong album na pinamagatang Music from Another Dimension matapos nang walong taong pamamahinga at kasulukuyan nilang ginagawa ang pangalawang serye ng kanilang Global Warming Tour na kabilang ang Maynila. Kasama sa tour na ito ang classic lineup ng Aerosmith na kinabibilangan nina Steven Tyler, Joe Perry, Tom Hamilton, Brad Whitford, at Joey Kramer.
Ang Aerosmith Live in Manila ay inihahandog ng PULP Live World at ito’y gaganapin sa SM MOA (Mall of Asia) Arena ngayong Mayo 8. Ang mga tiket ay mabibili sa pamamagitan ng pagtawag sa SM Tickets (470-22-22). Para sa VIP assistance ay maaari kaÂyong tumawag sa 727-4957 o magpadala ng e-mail sa royalty@pulpworld.com. Kasama rin ng PULP Live World ang Star World, Fox, MYX, The Philippine Star, Monster Radio RX 93.1, Monster Radio BT 105.9 Cebu, Monster Radio BT 99.5 Davao, RB 106 Radio Boracay Philippines (www.RADIO BORACAY.com), at 99.9 Country Baguio.