PIK: Ayaw muna ikuwento ni Vic Sotto kung ano ang partisipasyon niya sa concert nina Jose Manalo at Wally Bayola sa March 15 na gaganapin sa Araneta Coliseum.
Ibang-iba ito sa ginawa niya nung unang concert ng sikat na comedy duo kaya isa raw iyon sa dapat abangan.
Very positive si Bossing na panibagong hit na naman ito nina Jose at Wally dahil suportado pa ito ng mga special guest na sina Jericho Rosales, Dingdong Dantes, at marami pa.
Isa rin sa aabangan ay ang sikat na child wonder ng Eat Bulaga na si Ryzza Mae Dizon pero drama ng bagets ay pag-iisipan pa niya kung itutuloy ang guesting nito.
PAK: Kung nakayanan ni Mommy Eva Cariño-Padilla na tapusin ang stageplay ni BB Gandanghari na Halik ng Tarantula, parang hindi pa niya kakayanin na tanggapin na magpa-sex change ang kanyang anak.
Sabi ni Mommy Eva, tinanong naman niya si BB kung itutuloy nito ang magpa-sex change, hindi naman daw.
Pati ang magkaroon ng boyfriend ay parang hindi rin siya ready na ipapakilala sa kanya ang karelasyon ng anak. Pero kung meron talaga, wala naman siyang magagawa kundi tanggapin ito.
Natatawang sagot na lang ni BB: “Alam mo naman ang Nanay ko, mongha lang ang peg sa akin.â€
BOOM: Marami ang nagulat sa inilabas ng Startalk kahapon tungkol sa tunay na kalagayan ng kilaÂlang komedyante na si Gary Lising.
Inamin nitong naghihirap na siya pagkatapos niyang operahan sa puso nung inatake ito at pagkatapos nun ay inoperahan naman sa eye-cataract.
Kaya naubos na raw ang ipon niya at nakikitira na lang siya sa bahay ng kanyang anak. Wala na rin siyang kotse dahil binigay niya ito sa kanyang anak, kaya nagku-commute na lang siya.
Naiinis nga raw siya na marami pa rin ang nagpapalitrato sa kanya kapag nasa bus ito o sumasakay sa jeep.
Wala na rin siyang kasambahay dahil hindi na niya kayang pasuwelduhan kaya bumibili na lang ng ulam sa turu-turo.
Mabuti at nandiyan ang mga malalapit niyang kaibigan na patuloy na tumutulong sa kanya at sumusuporta sa kanya. Pero alam naman niyang hindi ito forever, kaya gusto sana niyang bumalik sa trabaho.
Sabi nito, “I don’t want to stay like this forever. Sometimes when I’m alone here, but my friends are cheering me always.
“They’re always here call me up but sometimes nawawalan na ‘ko ng will to live. Nahihiya na ako sa anak ko eh,†malungkot na pahayag ng 61 anyos na komedyante.