Maja hindi pa sinusunggaban si Gerald, nagpipigil pa!
Wala pa naman pala talagang relasyon sina Gerald Anderson at Maja Salvador. Nasa proseso pa lamang sila ng pagliligawan at pagkilala sa isa’t isa. Feeling kasi ng marami na dahil pinagkagalitan si Gerald ng mag-best friend forever na sina Maja at Kim Chiu ay talagang may unawaan na sila pero si Maja na rin mismo ang nagsabi na hindi ganun kadali ang makipagrelasyon muli.
Alalahanin natin na tulad ni Kim ay galing din siya sa isang failed relationship with Matteo Guidicelli. Mas recent ito kaysa sa dalawang taong hiwalayan nina Kim at Gerald.
“Kung anuman ’yung ipinapakita ni Gerald, hanggang dun na lang muna. Basta masaya lang kami na magkasama at nandiyan siya palagi,†pag-amin nito.
Nora nakabalik sa TV5, walang kaabug-abog
Tama’yung makeup artist na nagsabing babalikan ni Nora Aunor ang kanyang role sa Never say Goodbye. At mabuti namang nagpalawig-lawig pa ng panahon ang mga Noranian at hindi agad inaÂway si Rita Avila na sinasabing pumalit kay Nora sa teleserye ng TV5 na nagtatampok din sa bagong love team nina Vin Abrenica at Sophie Albert, AliÂce Dixson, Cesar Montano, Gardo Verzosa, atbp.
Nagti-taping na para sa teleserye ang Superstar na walang kaabug-abog at walang funfare na nakauwi ng bansa nang hindi namamalayan ng marami. At kahit matatawag na close to a miracle ang gagawin ng network para maibalik ang kanyang character na namatay na sa istorya, babalik at babalik ang character na ginagampanan niya.
Samantala, natutuwa rin ang maraming miyembro ng Philippine Movie Press Club (PMPC) dahil personal na maipapamahagi ni Nora ang tropeo ng karangalan para sa napiling Nora Aunor Ulirang Artista Achievement Award na tatanggapin sa taong ito ni Senador Lito Lapid.
Hindi naman natigil ang PMPC sa pagbibigay ng Lifetime Achievement Award kahit pa nung panahong nasa Amerika na ang Superstar.
Isa ito sa special awards na ibinibigay sa taunang Star Awards for Movies na magaganap sa Linggo ng gabi, Marso 10, sa AFP Theater, Camp Aguinaldo, Quezon City.
Nagwawalang fans ni Mario Maurer kumalma sa denial ni Cacai
Nagpalabas na ng kanyang personal na pahayag ang komedyanteng si Cacai Bautista sa balitang diumano’y pagkakaunawaan nila ng Thai superstar and heartthrob na si Mario Maurer. Ilang araw na ring pinagpipistahan ng marami ang sinasabing “romansa†ng dalawa na humantong pa raw sa disappointment ng Thai actor dahil hindi siya mabigyan ng sapat na panahon ng komedyanteng Pinay habang nasa kanyang bansa ito at nagbabakasyon.
Sa gitna nang pagkamayaw ng marami, sabay na lumabas ang pagtanggi ng mga tagahanga ni Mario na may relasyon ang kanilang idolo sa komedyanteng Pinay at ang pahayag ni Cacai na pagkakaibigan lamang ang namamagitan sa kanila ni Mario. Hindi naman ito ikinagulat ng marami dahil hindi naman talaga sila naniwala sa balita in the first place.
- Latest