MANILA, Philippines - Nabili na pala ang Broadway Centrum ng isang higanteng Real State Company.
Sa Broadway isinasagawa ang Eat Bulaga at ilang programa ng TV5 kaya hindi pa ito agad-agad gigibain.
Ang Eat Bulaga raw hanggang December pa ang kontrata sa Broadway at naghahanap na ang pamunuan ng programa nang malilipatang mas malaking espasyo. Ang TV5 naman daw ay ibabalik sa Novaliches - ibabalik ang mga programang sa Broadway kinukunan ngayon.
Pero ang isang tiyak na malulungkot sa pagkawala ng Broadway ay si Kuya Germs Moreno. Ito ang naging tahanan ng kanyang That’s Entertainment at iba pang programa noon sa mahabang panahon.
As usual, tatayuan daw ito ng condominium building.
Ang isa pa palang nanganganib na gibain ay ang simbahan sa Timog Avenue, ang St. Paul.
Ang balita, tatayuan din ito ng condominium building pero ibabalik din naman daw ang simbahan sa ground floor nang itatayong building.
Malungkot ang ibang mga nagsisimba doon at ang madalas na dumadaan sa kanilang Adoration Chapel.
Hindi kaya kalaunan ay mapuno na ang Metro Manila ng mga condominium na wala namang masyadong nakatira? Parang ang dami naman nilang mga bakante bilang hindi rin naman gaanong mabenta dahil ang mamahal naman ng presyo?
Kumpirmado, Sharon nagparamdam kay Mr. Gabby Lopez matapos ‘pagalitan’ ng bossing ng Kapatid Network
Kumpirmado palang gustong bumalik sa ABS-CBN ni Megastar Sharon Cuneta at nagpaparamdam daw ito kay Mr. Gabby Lopez. Pero ayaw na raw makialam ni Mr. Lopez dahil hindi na nga siya ang presidente ng Kapamilya Network, si Ms. Charo Santos-Concio na.
Kasi raw pala willing ang TV5 na ire-negotiate ang contract ni Sharon dahil nga sa naging problema sa huling programa niya na hindi kumita eh ang usapan pala ayon sa narinig kong kuwento ire-repackage at tutulong si Sharon na lumaki ang audience ng TV5 na hindi nga nangyari.
Mismong si Mr. Ray Espinosa, President and CEO ng TV5, raw ang kausap ni Sharon at sinabi straight to her face na “you did not deliver.†Nagpramis din pala si Sharon na magre-reinvent ng image para nga maiba na hindi raw nito ginawa kaya hayun sinabi sa kanya ang problema na ikinasama ng loob ng Megastar.
Nag-make face pa raw ito kay Mr. Espinosa na hindi nagustuhan ng bossing ng Kapatid Network kaya biglang tinapos ang nasabing meeting.
Pero hindi pa doon ang ending dahil tumawag pa raw si Sen. Kiko Pangilinan kay Mr. Manny Pangilinan tungkol sa nangyari pero pareho rin lang daw sa sinabi ni Mr. Espinosa ang sinabi ng may-ari ng TV5.
May plano naman daw ang TV5 na gawan ng proyekto si Sharon pero pinag-iisapan na raw na maigi ng TV5 para kumita na sila at makabawi sa maraming nagastos sa unang programa nito.