Heart tinatawag nang senadora
Ang inang si Mrs. Cecille Ongpauco na kung tawagin ni Heart ay “Momager†ang kasama ng aktres nang mag-renew ng kontrata sa GMA Network. “Senadora†naman ang itinawag ni Atty. Felipe Gozon sa dalaga dahil sa relasyon nila ni Sen. Chiz Escudero.
Two years exclusive contract ang pinirmahang kontrata ni Heart, pero biro ni Mr. Jimmy Duavit, “lifetime†ang kontrata ng aktres sa kanila. Masaya si Heart that afternoon dahil nakakasiguro raw siya na hindi pababayaan ng network at pinatotohanan ito ni Ms. Lilybeth Rasonable sa sinabing after Forever, primetime soap naman ang gagawin ni Heart.
Si Heart na rin ang makakasama ni Chris Tiu sa iBilib dahil nag-klik ang tandem nila sa What A Job! At may Party Pilipinas pa siya. Sina Alden Richards at Aljur Abrenica ang nabanggit ni Heart na gusto niyang makasama. Nag- ‘yes†kay Richard Gutierrez, “sure†kay Dingdong Dantes at “yeah, go†kay Marian Rivera.
Natawa lang ang press dahil sa panlalaglag ni Heart sa ina, siya na raw ang nasusunod at pinababayaan na siyang mag-decide. Pero batay sa reaction ni Mrs. Ongpauco, parang mali si Heart.
Samantala, four taping days na lang ang natitira sa Forever, pero hindi pa alam ni Heart ang ending nito dahil wala pa sa kanya ang script.
Anjo nakabalik ng QC nang makabati si Robin Padilla
Three weeks lang mapapanood sa Vampire ang Daddy Ko si Anjo Yllana dahil sa pagbabawal ng Comelec na lumabas pa sa TV o pelikula ang mga artistang kumakandidato sa darating na election. Pero sabi ni direk Bibeth Orteza, after the election, babalik din ang Bibo karakter nito na isang bampira.
Sa tanong kung totoong lilipat siya sa ABS-CBN? Sagot ni Anjo, may show siya sa GMA7, ito ngang Vampire ang Daddy Ko, pero naggi-guest siya sa Dos. Ang importante para sa kanya, maganda ang relasyon niya sa two networks.
Ayon kay Anjo, na-miss niya ang maglingkod, kaya binalikan ang pulitika at tatakbong konsehal sa fifth district ng Quezon City. Nilinaw nitong bumalik lang siya sa Kyusi at hindi lumipat at alam natin kung bakit tumira siya ng matagal sa Paraῆaque City. ‘Wag na lang daw ibalik ang isyu dahil okey na sila ng mga Padilla at nagbatian sila ni Robin Padilla nang mag-guest siya sa Toda Max.
Sa Sabado na, 6:45 p.m., ang pilot ng Vampire ang Daddy Ko na ang mga bida ay ang mag-amang Vic at Oyo Sotto.
Max at Benjamin may LQ agad
Natutuwa si Max Collins na marami ang naiinis sa karakter niyang si Cindy sa Pahiram Ng Sandali dahil ang ibig sabihin nito ay effective siya.
Last two weeks na lang ang Pahiram Ng Sandali, nalulungkot si Max dahil hindi na niya makikita ang co-stars na naging close sa kanya. At least si direk Maryo J. delos Reyes, makakatrabaho pa niya dahil kinuha siya nitong magbida sa indie film na gagawin nito sa Sineng Pambansa ng Film Development Council of the Philippines.
May pamagat na The Bamboo Flower with Neil Ryan Sese at kukunan sa Bohol. First movie ito ni Max, kaya excited. For her next project, gusto pa rin ng drama ni Max para mas mahasa siya sa acting.
Naintriga pala kami sa sagot ni Max nang usisain tungkol kay Benjamin Alves na na-link sa kanya nang gawin nila ang Coffee Prince. Nabanggit ng aktor sa presscon ng Unforgettable na mutual decision nila ni Max na maging friends na lang sila.
“He’s not important enough for me to be hurt. ‘Di naman kami ganoon ka-close. Binigyan ko siya ng chance na makilala namin ang isa’t isa dahil nagkaÂtrabaho kami. But I want to think na tama ang decision ko na hindi magka-BF ng taga-showbiz because it’s not stable.â€
Hindi ba, parang may pait ang sinabi ni Max? Ano kaya ang reaction ni Benjamin dito, ang cute lang, parang may LQ ang dalawa!
- Latest