PIK: Two weeks na lang at magtatapos na ang Pahiram ng Sandali na pinaghirapan nina Lorna Tolentino, Dingdong Dantes, at Max Collins.
Pagkatapos nito ay mukhang sa bakasyon ang deretso nilang lahat dahil emotionally draining sa kanila ang mga eksenang nagawa nila sa naturang drama series.
Si Lorna ang sobrang apektado dahil halos isang buwan siyang nagti-taping na wala siyang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak.
Tuloy pagdating daw sa personal niyang isyu ay hindi na niya naiyakan. Pero inamin naman ni Lorna na umiyak ito kamakailan lang bago ang kaarawan ni Kuya Rudy Fernandez dahil sa inayos nito sa cabinet ang mga damit ng nasirang asawa. Hindi raw niya napigilang maiyak at ma-miss uli si Kuya Rudy.
PAK: Proud na proud ang nakakatuwang child wonder ng Eat Bulaga na si Ryzza Mae Dizon na ipinakita sa amin ang bagong kotseng nabili nito.
Sa bandang likuran ng kanyang kotse ay may lugar na puwedeng tulugan kapag wala itong ginagawa sa taping.
Masaya raw siya na nakabili na ng kotse, pero minsan ay nami-miss din daw niyang sumakay sa LRT dahil ang dami na raw niyang naging kaibigan doon na mga security guard at staff ng LRT.
Kaya minsan ay parang type daw niyang mag-commute uli.
Balak naman daw ng Mommy at Daddy niya ay bumili ng bahay, at meron na raw silang nakita sa Fairview, at baka maging kapitbahay pa raw nito si Manay Lolit Solis.
Tampok si Ryzza Mae sa bagong sitcom ng GMA 7 na Vampire ang Daddy Ko na magsisimula na sa March 9.
BOOM: Si Dingdong Dantes ang isa sa unang nag-react sa ilang kumokontra sa pagkapanalo ni Marian Rivera bilang Outstanding Actress in a Drama mula sa Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society.
“Hindi naman po natin mapi-please ang lahat. Minsan mas maganda na rin ‘yung may kontra kesa lahat sumasang-ayon lang. It’s just goes to show na may kanya-kanya tayong opinyon. Ang importante nung gabing iyun ay ang opinyon ng Enpress ng Golden Screen Awards kung saan sila ang nagbigay ng parangal sa kanya.
“Masaya ako na nakuha niya ang parangal na ‘yun dahil sa magaling niyang pagganap sa Amaya,†nakangiting pahayag ni Dingdong.
Naikuwento rin nitong magbabakasyon din sila ni Marian pagkatapos ng Holy Week, pero ayaw pa niyang sabihin kung saan sila pupunta. Pero sa isang Asian country daw ang pupuntahan nilang dalawa.