Indio mas mainit na ang mga pangyayari
MANILA, Philippines - Mas umiinit na ang mga tagpo sa Indio.
Sa pagpapatuloy ng laban ng dalawang diwata tutulungan na lang ni Simeon ang diwatang si LihaÂngin (Ehra Madrigal) at sa wakas magagapi ni LiÂhangin si Magwayen. Dahil dito papalayain na ni MagÂwayen ang kalag ni Simeon. Tagumpay si Lihangin subalit hindi agad aalis si Simeon. Gustong nitong makita muli si Rosa.
Pahihintulutan kaya siya ng diwatang si MagwaÂyen?
Pagbibigyan ng diwatang si Magwayen ang kahiÂlingan ni Simeon (Sen. Bong Revilla Jr.) at sa waÂkas muling magkikita si Simeon at Rosa (MaÂxene Magalona).
Habang abala naman sina Juancho (Michael de Mesa) sa pagtugis sa mga Insurrectos ay may masamang binabalak si Mayang (Sheena Halili) sa kanya. Magagawa ni Mayang na saktan si Juancho at sa gagawing niyang ito si Tuhay (Dominic Roco) ang mapagbibintangan.
Sa Maynilad naman labis na ikakabahala ni Esperanza (Jennylyn Mercado) ang pagdadalawang tao niya lalo’t pa’t ipapaalam ito ni Padre Martin sa kanyang papa na si Juancho. Madaragdagan pa ang pag-alala niya nang biglang lalaki ang tiyan niya!
Matagumpay naman na makakabalik sina LihaÂngin (Ehra Madrigal) at Simeon sa kaharian ng mga diwata. Aakalain ng mga diwata na mabubuhay na muli si Simeon pero hindi agad- agad makakabalik ang kanyang kalag (kaluluwa) sa kanyang katawang lupa. Ito ay dahil sa pagiging diwata at tao niya.
Ang tanging paraan upang mabuhay siyang muli ay sa pamamagitan ng pagharap niya sa Kataas-taasang Diwata na si Makaptan!
Huwag pahuhuli sa mga mas nakaka-excite na pangyayari sa Indio na napapanood pagkatapos ng 24 Oras.
- Latest