SEEN: Nagbibiro lang si Paulo Avelino ang paliwanag ng kanyang kampo sa isyu na nagmaldito ang aktor nang sabihin nito na mahirap gawin ang isang trabaho kapag pinilit lamang nang mahilingan siya na mag-present ng award sa Golden Screen Awards for Television ng Entertainment Press Society noong Biyernes sa Teatrino, Greenhills.
SCENE: Ipapalabas sa International Women’s Day Specials ng Biography Channel sa March 8 hanggang March 10 ang life story ni former President Cory Aquino.
SEEN: Glaiza Herradura at hindi Glaiza de Castro ang pangalan na nasabi ni Bibeth Orteza sa presscon ng Vampire ang Daddy Ko. Si Bibeth ang direktor ng sitcom nina Vic at Oyo Sotto.
SEEN: Wala nang magagawa ang mga nagreÂreklamo na hindi si Marian Rivera ang karapat-dapat manalo ng best actress sa Golden Screen Awards for Television. Naiuwi na ni Marian ang kanyang best actress trophy.
SCENE: Jackie Oda na ang ginagamit na screen name ni Jinky Oda dahil Jackie ang kanyang tunay na pangalan. Ayaw nang gamitin ni Jackie ang Jinky dahil sa kanyang paniniwala na malas ang pangalan na Jinky.
SEEN: Cameo roles na lang ang ginagampanan ni Ara Mina sa Alfredo S. Lim, The Untold Story at The Fighting Chefs.
SCENE: Ang Babae Sa Septic ang unang indie movie na mapapanood sa Cinemalaya movies na magsisimula sa March 8. Mapapanood ang CineÂmalaya movies sa Fox Filipino Channel.