Sa March 13 ay palabas na sa mga sinehan ang pelikulang Must Be… Love na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Sinasabing ang tambalan ng dalawa ang pinakasikat sa kanilang henerasyon ngayon. Kamakailan ay umamin na sina Daniel at Kathryn na meron na silang mutual understanding o MU. Mayroon na rin daw espesyal na tawagan sila sa isa’t isa.
“Pottie of Potpot, ang cute kasing sabihin. ’Tapos payatot, potpot payatot. Mahilig kasi siya, kapag sinabi mo, sarap sabihin ’no? Ulitin mo, potpot, potpot. Ayun, parang nakasanayan na,†natatawang kuwento ni Kathryn.
“Baba†naman daw ang tawag ni Daniel sa daÂlaga.
“Baboy kasi lagi niyang sinasabi ang taba na niya eh,†nakangiting pahayag ni Daniel.
Nako-conscious si Kathryn sa tuwing tinititigan siya ng binata. “Kapag tumitingin siya, hindi mo alam ang nasa isip. Minsan mayroon palang hindi magandang nasa isip niya, baka sa suot ko, baka may comment pala siya roon, or sa kinikilos ko,†pag-amin ni Kathryn.
Hindi na rin nagseselos ang young actress sa ibang artistang babae na nakakapareha ni Daniel.
“Kailangan na ring masanay kasi baka next soap (opera) may iba na siyang ka-love team. Ako na lang ang ka-love triangle. Nanibago lang sa simula pero habang tumatagal naman, may tiwala naman po ako kay DJ (Daniel). Ayun, trabaho lang,†giit pa ng dalaga.
Richard Yap gusto ring mag-drama
Masayang-masaya si Richard Yap sa nakuha niyang Outstanding Breakthrough Performance By An Actor award sa katatapos pa lamang na Golden Screen TV Awards mula sa Enpress o Entertainment Press Society. Nasungkit ng aktor ang nasabing award para sa teleseryeng My Binondo Girl kung saan siya nakilala bilang si Papa Chen. Ngayon ay naging mas sikat pa si Richard dahil sa pagganap niya bilang si Sir Chief sa teleseryeng Be Careful With My Heart.
“It’s very heartwarming. It’s such a great feeling to be recognized even for someone as new as me kasi most people in showbiz win awards. They work so hard to be where they are right now. I guess I’m just so blessed by the Lord and I’m just so inspired by all the people who are giving me all the support,†nakangiting pahayag ni Richard.
Mas pagbubutihan ngayon ng aktor ang kanyang trabaho dahil sa nakuhang award.
“’Di ko na iniisip na magkarooon ng award or anything basta aayusin ko lang ’yung trabaho ko. Do the best I can in everything that I can do,†dagdag pa ng aktor.
Samantala, kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ni Richard na maging isang magaling na dramatic actor.
“Siguro in time, you have to learn along the way. I think you have to learn to do all these things slowly. Ayoko namang half-baked so we might go into that later on,†pagtatapat ni Richard. Reports from JAMES C. CANTOS