Palaban!

MANILA, Philippines - May plano ba kayong magbigay pugay sa pina­kaimportanteng babae sa inyong buhay? Bigyan sila ng  parangal sa pamamagitan ng isang fabulous party ngayong Linggo sa pagdiriwang ng GMA 7 sa Women’s Month sa temang Party Pilipinas Palaban!

Maki-celebrate kasama ang R&B Princess and soon-to-be mom Kyla sa kanyang hits at highest notes, one last time, sa paghahanda niya sa pagdating ng kanyang baby boy. Huwag palampasin sa  kanyang emotional send-off party ngayong Sunday. 

Nandiyan din sina Aicelle Santos, Maricris Garcia, and Jonalyn Viray, na kilala bilang La Diva sa segment na Live. Special guests sina Jay-R and Kris Lawrence. 

Celebrate girl power and fierceness, with Kylie Padilla and Winwyn Marquez na magpapakitang gilas sa kanilang intense dance skills na most daring dance battle na The Buwis-Buhay Dance Showdown!

Idagdag pang magpapainit ng stage ang Girls Hot-Taw sa kanilang curves at strength bilang pagi­ging Eva na sina Kylie, Bianca King, Michelle Ma­dri­gal, Sam Pinto, LJ Reyes, Rochelle Pangi­linan, Winwyn Marquez, Sexbomb Aira Bermudez, Lexi Fernandez, Elle Ramirez, Chloe McCully, Diva Mon­telaba, at kasama ang napakakontrober­siyal na guest. May party din si Isabelle Daza sa ce­le­bra­tion ng kanyang birthday with style. 

Damahin din ang special “kilig” sa much-awaited second anniversary celebration ng Party Pilipinas, Wazak @ 2 with JuliElmo, kasama si Gloc-9 at ang La Diva.

Sing your hearts out sa most-liked rock songs in Vocal Excellence aka VOX na most requested hits mula sa ating mga kababayan abroad sa Love, Party Pilipinas.

Huwag i-miss ang triple treat sa Triple Play tampok si Jennylyn Mercado sa pagkanta ng Ganun na Lang Ba, mula sa track ng latest album niyang Forever By Your Side; Sef Cadayona sa one-of-a-kind birthday dance offering; ang Protégé Season 1 Grand Champion Krizza Neri as she pushes her boundaries sa rendition nitong well-loved Les Mise­rables’ song I Dreamed A Dream. 

Mula sa New York ’s Harlem Shake to the Philippines ’ Budots, ang Sayaw Pilipinas crew sa move to the beat ng famous dance craze worldwide.  

Color It Red’s front woman na si Cooky Chua sa favorite acoustic hits with Asia’s Songbird Re­gine Velasquez-Alcasid, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Solenn Heussaff, Jolina Magdangal, Jake Vargas, Jennylyn Mercado, Cathy Go, at Glaiza de Castro. 

Get in touch sa latest trending topics in U-Trend dahil ang Kapuso stars magsi-share ng makeup tips at kanilang never-before-seen skateboarding tricks.

 

Show comments