Mama Salve, hulaan mo kung sino ang nakita ko na magka-date noong Huwebes sa isang restaurant sa Quezon City? Si Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Hindi ko napansin ang dalawa dahil nakapuwesto sila sa pinakasulok na parte ng restaurant. Itinuro lang sila sa akin ng kasama ko at nang ma-sight ako ni Papa Chiz, siya ang unang tumayo at nagbigay-pugay sa akin.
 “So totoo pala na mag-on kayo?†ang unang lumabas na mga salita mula sa aking bibig dahil hindi ko inaasahan na makikita ko sila.

Walang ibang kasama sina Papa Chiz at Heart. Napansin ko na maraming pagkain ang nakahain sa kanilang mesa.
 Nag-thank you ako kay Papa Chiz. Sinabi ko sa kanya na natanggap ko ang ipinadala niya sa akin na something, pati na ang grocery basket noong Pasko.

Mukhang maligayang-maligaya si Heart sa piling ni Papa Chiz. Madalas ang pagkikita namin ni Heart sa GMA 7 compound pero ibang-iba ang aura niya noong Huwebes.
Magandang-maganda siya at hindi maipagkakaila na in love na in love siya kay Papa Chiz.

Pops nadagdagan ang kayamanan sa foursome
Masarap ang pagkain sa Ryu, ang Ramen Noodle House na pag-aari ni Ogie Alcasid at ng kanyang mga business partner.

Ang Ryu ang venue kahapon ng press interview kina Pops Fernandez at Regine Velasquez para sa repeat ng kanilang Foursome concert sa March 16.

Pumunta ako nang maaga sa Ryu dahil na-miss ko ang kanilang mga masasarap na pagkain.
Naloka ako dahil tinalbugan ako ng driver ko na si Junior dahil ipinabalot din niya ang kanyang pagkain.
Sosyal ‘di ba?

Early bird sa Ryu si Pops Fernandez na nadagdagan na naman ang kayamanan dahil kumita ang Foursome.
 Co-producer ng show si Pops.
Alam nating lahat na sold-out ang Foursome noong Valentine’s Day at maganda rin ang benta ng repeat ng concert sa March 16.
Hindi nagkamali si Pops sa desisyon nito na sumosyo dahil sure ako na pipilahan din ang repeat ng Foursome na maganda ang petsa dahil payday ang March 16. May datung na pambili ng tickets ang mga tao.

Mahusay na businessÂwoman si Pops. Namana niya ang husay sa negosyo ng kanyang nanay na si Dulce Lukban na hindi na active sa pagpo-produce ng mga concert. Ipinamana na niya kay Pops ang kanilang kompanya.

Ethel tsugi na!
Parang hindi naman ako nagulat nang mabaÂlitaan ko na tsinugi si Ethel Booba bilang co-host sa Wowowillie dahil tinalakan niya si Willie Revillame.
Nakikinig ako sa radio program ni Mama Cristy Fermin noong Huwebes at ang pagkatsugi ni Ethel sa Wowowillie ang topic nila ng kanyang mga co-host.
Maraming kuwento si Mama Cristy tungkol kay Ethel na noon ko lang narinig.
 Nagkita kami ni Ethel sa presscon noon ng Wowowillie at ang sabi niya, nagbago na siya. Sayang ang big break na pinakawalan ni Ethel dahil positive pa naman ang mga feedback sa araw-araw na pagkanta niya sa noontime show ni Willie.