MANILA, Philippines - Meron na raw mutual understanding sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Pero wala pa sa mas malalim na relasyon ang kanilang pagkakagusto sa isa’t isa kahit gusto ng fans na silang dalawa ang magkatuluyan.
“Marami pa kasi kaming gagawin ni Kathryn kaya hindi namin puwedeng ilagay ang sarili sa ibang tao,†sey ni Daniel sa presscon ng launching movie nila as love team, ang Must Be Love.
Nanliligaw ba siya ngayon kay Kathryn?
“Sa ngayon, MU (mutual understanding) kami ngayon!†sagot ni Daniel.
“Kagaya nang sinabi ni DJ, mas maganda ‘yung hindi muna natin madadaliin. Nagkakaintindihan kaming dalawa. ‘Yun ang importante.
“Alam namin kung ano ang priorities namin ngayon kasi ang dami pong kailangang gawin. Ang daming kailangang ipunin. Sa gusto namin in the future. Siguro, darating din iyan. Tumatanda na rin naman tayo! Ha! Ha! Ha!†tugon naman ni Kathryn.
Pero nagdi-date na ba sila?
“Siguro considered date na po ‘yung nanonood ng movie. Kasama naman si Mama po. Nagmu-mall! ‘Yun siguro date na ‘yon,’ saad ng young actress.
May aaminin ba sila within the year?
“Hindi natin alam eh. Kasi wala naman ang desisyon sa amin ngayon eh. Try naming bilisan! Ha! Ha! Ha!’ biro ng young actor.
Buti naman at walang nababalita na may nililigawan siyang ibang babae, huh!
“Nagbago na kasi kaming mga Padilla eh. Kita mo, kelan lang, ginawa ni Tito Robin, ‘di ba? Ako naman, ganito, si erpats, ganyan! Nagbago na ang mga Padilla.
“Tapos na’yung issue na mga babaero, Hindi ‘yan totoo!†katuwiran ni Daniel.