MANILA, Philippines - Mula sa pagiging astig na bodyguard na nakaÂbighani sa misteryosong City hunter hanggang sa pagiging isang babaeng nagpanggap na lalaki sa paaralan ng Sungkyunwan, gagampanan naman ngayon ng Korean sweetheart na si Park Min Young ang isang nursing aid na walang ibang maalala sa kanyang nakaraan maliban ang paÂngaÂlan niya sa seryeng Glory Jane na mapapanood tuwing hapon sa ABS-CBN.
Isang masayahin at positibong dalaga si Jane na determinadong magsikap para magkaroon ng magandang buhay kahit na wala siyang anumang maalala sa kanyang nakaraan. Ang tanging alam niya ay iniwan siya ng isang lalaki sa ampunan at mariing ibinilin sa kanya na huwag niyang kalimutan ang kanyang pangalan – Jane Yoon.
Hinanap ni Jane ang lalaking ito sa pag-asang lubusang makilala ang kanyang pagkatao at sa paniniwalang ito ang kanyang tunay na ama.
Papalarin siyang maÂkita ang lalaki ngunit maÂbibigo magkaroon ng ama dahil ang lalaking ito ay may sarili na palang pamilÂya at ang panganay nitong anak na si Ryan Kim (Chun Jung-Myung) na isang baseball player, ay dati niyang pasyente.
Nagpasya si Jane na manirahan sa bahay ng lalaking ito kung saan kakaharapin niya ang dalawang pinakamabigat na laban ng kanyang buhay— ang laban para matuklasan ang kanyang tunay na pinagmulan at ang laban para supilin ang nararamdaman sa lalaking kinikilala niyang kapatid.
Sa unti-unting pagsiwalat ng katotohanan, makikilala rin ni Jane ang tunay na kaaway at malalaman n’ya ang mga bagay na ipinagkait sa kanya.