Gretchen pipiliting umarte, tinanggalan ng makeup para maiba ang hitsura

Talagang suwerte si Coco Martin. Kahit ka­yang-kaya na niyang i-handle ang kasalukuyang role niya sa Juan dela Cruz with its current line up of stars, heto at binibigyan pa siya ng mala­la­king guests, tulad na lang nina Eddie Garcia at ang kasalukuyang ipinalalabas na trailer ng teleser­ye na nagtatampok naman kay Gretchen Barretto sa isang kakaibang role na ngayon lamang niya gagampanan dahil palagi siyang gla­mo­rosa sa kan­yang mga projects. She will not be able to show her fantastic wardrobe o kaya ay maglagay ng eyelash at eyeliner man lamang.

Sa halip, nakatali lamang ang kanyang buhok sa kanyang ulo at  mata­ngi sa foundation na ila­la­gay sa kanya na hindi mapapansin ng manonood, walang dapat makita sa kanya kundi ang kanyang kagalingan sa pag-arte, if only to convince viewers na kaya niyang maging isang magnanakaw.

Enzo Pineda usad-pagong ang career, pati pagpapatawa gusto nang pasukin

Marami sa nakakapanood ng audition na ginagawa ng GMA7 para sa Bubble Gang ay nagtataka kapag nakikita nila si Enzo Pineda na kasama sa mga nag-o-audition for a role na nakatakda para sa isang komedyante.

Maski na makapasa ang boyfriend ni Louise delos Reyes, hindi naman puwedeng malaking role ang ibigay sa kanya dahil matatagal na ang mga artistang daratnan nang mapipili sa audition. Siyem­pre, he will have to start from scratch and Enzo doesn’t mind kung parang sa StarStruck ay magsisimula muli siya sa ibaba. Kailangan niya ay panibagong tu­lak sa kanyang parang hindi umuusad na career.

Nakausad na’t nag-i-enjoy na sa ka­nilang status ang mga kasabayan niyang si Rocco Nacino, pero siya parang ngayon lang masusubukan sa launching vehicle ni Kim Komatsu. At hindi lamang siya, dalawa silang mag­si-share sa pagkabida ng isa pang aktor. Answered prayer ang kanyang role sa nasabing series dahil seryosong drama ang sasabakan niya na kontra naman ka­pag napili siya sa Bubble Gang.

Unforgettable kopya lang?

Marami ang nagsasabi na kuha sa pelikulang Ghost ang bagong teleserye nina Kylie Padilla at Mark Herras sa GMA7 na Unforgettable. Pero bukod sa pagbabalik ng kaluluwa ng isang namatay sa buhay ng kanyang minamahal, walang pagkakatulad pa ang lumang pelilkula na ginampanan nina Demi Moore at Patrick Swayze sa bagong teleserye ng anak ni Robin Padilla.

Proud nga ang kanyang ama sa pagkakasama sa isang proyekto na alam niyang malaki at pi­nag­han­daan. Magaganda raw ang mga roles na ibini­bigay kay Kylie ng GMA katulad ng nauna nitong mga serye, ang Blusang Itim at The Good Daughter dahil nahahasa nito ang kanyang pag-arte.

Sunshine Dizon ayaw ikumpara kay Angelika

Baka matagalan ang gagawing pagpapapayat ni Sunshine Dizon dahil ayaw niya ng surgical treatment para ma­bawasan ang kanyang timbang. Mas gus­to niya ng proper and healthy way para ibalik sa dati ang kanyang pangangatawan.

Hindi pa man siya tuluyang nakakabalik ay isinasabong na siya sa kanyang kasamahan sa seryeng gagawin niya na si Angelika dela Cruz. Siyempre, ayaw niya ng ganitong promo para sa kanilang pagsasamahang trabaho. “Para sa mga bata na lang ‘yang rivalry. Huwag na sa amin. Mas gusto ko ‘yung magtatrabaho kami ng walang pressure. Nakaka-pressure na nga ‘yung magpapayat tapos dadagdagan pa ng kung anu-anong problema. I’d like to go back to work in peace,” ang sabi sa isa sa pinakamagaling na artista ng GMA7.

Show comments