Pinay sa American Idol, tsugi na agad!

MANILA, Philippines - Tsugi na sa Top 20 ng American Idol Season 12 ang Fil-Am na si Bridget Hermano. Ito ay matapos na magpakitang-gilas ang natitirang female contestants.

So tapos na ang pag-asa ng mga Pinoy sa American Idol na sa totoo lang ay hindi na gaanong pinag-uusapan sa kasalukuyan.

Maalalang nakapasok sa Top 40 si Bridget. Meron na pala itong album na ginawa at may following na. ‘Yun nga lang, babu na agad siya sa AI. 

Hindi niya naabot ang narating ni Jessica Sanchez noong nakaraang taon.

Pelikula nina Robin at Aljur, hindi na matutuloy?!

Burado na ang tampo ni Aljur Abrenica sa GMA 7. Ito ay matapos siyang latagan ng mga gagawin niya at pumirma ng limang taong kontrata last year.

Maalalang nag-emote si Aljur dahil matagal siyang walang trabaho. Binigyan siya ng Coffee Prince pero hindi naman nagtagal. At pagkatapos nun wala na naman siyang trabaho.

Eh tamang-tama meron siyang offer sa ibang channel so naisip ni Aljur na tanggapin. Pero mabilis ang GMA 7 kaya napapirma siya ng panibagong kontrata.

Ngayon ay kasama na siya sa Indio, ginagawa niya ang Wagas sa GMA News TV, lalabas siya sa Magpakailanman, may gagawin silang teleserye ni Kris Bernal, ang Prin­sesa ng Masa, magkakaroon siya ng concert at may US Tour pa.

“Mahal ko naman ang GMA 7, hindi kayang iwanan,” sabi ng actor.

Samantala, hindi pa makumpirma ni Aljur kung tuluyan na ngang hindi mapapalabas ang ginawa nilang pelikula ng kanyang future father in law na si Robin Padilla, Ang Kuratong Baleleng. Kumalat kamakailan ang balitang hindi na raw ito matutuloy pa. Naka-two shooting days ang Kapuso actor sa pelikula.

Nakakaramdam ng pressure

Kapwa honored at thankful sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa pinakabagong blessing na natanggap nila – ang  romantic movie na Must Be...Love  na mapapanood na sa mga sinehan nationwide sa March 13 (Wednesday).

 Matapos ang phenomenal success ng no.1 teen primetime teleserye sa Pilipinas na  Princess and I  at sa first two movies ng love team nila na 24/7 at Sisterakas, itotodo na nina Kathryn at Daniel ang pagpapakilig sa buong bayan sa kauna-unahan nilang pelikula na idinirek ng isa sa mga direktor nila sa Princess and I na si Dado Lumibao.

Ngunit sa kabila nang nararamdamang pressure, aminado si Daniel na malaking bagay na si Kathryn ang kapareha niya sa naiibang romantic movie kung saan gaganap sila bilang mag-best friends na sina Patchot (Kathryn) at Ivan (Daniel). Aniya, “Happy ako kasi parang araw-araw kaming magkasama. At kung dati ay komportable kami sa isa’t isa, ngayon talagang super close na kami. Iba ‘yung bonding namin ni Kathryn. Sa sobrang saya, parang hindi na trabaho ‘yung ginagawa namin.”

 Nang tanungin sina Kathryn at Daniel sa kung ano ang ‘secret to success’ ng kanilang love team, simple lamang ang sagot nila--pagiging natural at totoo.

 â€œSiguro naging interesting sa viewers ‘yung pagiging love team namin ni DJ kahit very opposite kami pagdating sa pananamit, pananalita, pagkilos, and personality,” ani Kathryn. “Yung ibang teenagers like us, nakikita nila ‘yung mga sarili nila sa amin. At kami, ‘yung mga ginagawa namin, pang-age lang talaga namin.”

 

Show comments