Kim, Maja, Sir Chief, at iba pa magbibigay saya sa Kapamilya karavan sa Baguio

MANILA, Philippines - Mas matinding Kapamilya power ang masasaksihan ngayong weekend sa pagpapatuloy ng 2013 Panagbenga Flower Festival sa Baguio dahil makiki-fiesta at magbibigay saya ang ilan sa hottest lead stars ng top-rating ABS-CBN teleseryes sa gaganaping Kapamilya Karavan ng ABS-CBN Regional Network Group (RNG) ngayong Sabado (Marso 2), 4:00 pm, sa Melvin Jones Grandstand.

Iba’t ibang special production numbers at sorpresa ang tampok na dadaluhan nina Kim Chiu, Maja Salvador, Enchong Dee, at Xian Lim ng Ina Kapatid Anak; Richard Yap ng Be Careful With My Heart; Angeline Quinto, Paulo Avelino at Sam Milby ng Kahit Konting Pagtingin; at bagong Kapamilya child wonders na sina Julia Base at Larah Sabroso ng afternoon series na May Isang Pangarap. Samantala, dinumog ng dalawang milyong katao ang katatapos lamang na  Panagbenga Floral Float Parade  kung saan bahagi ang  float ng ABS-CBN RNG na kinatampukan ng Kailangan Ko’y Ikaw stars na sina Robin Padilla, Xyriel Manabat, Marco Gumabao, Miles Ocampo, Karla Estrada, at Smokey Manoloto; and Kris TV co-hosts na sina Jason Francisco at Melai Cantiveros.

Ang ABS-CBN Regional Network Group ay ang nationwide TV at radio network ng ABS-CBN Corporation.  

Para sa iba pang Kapamilya stories at happenings sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, mag-log on lamang sa www.abs-cbnnews.com, www.choosephils.com, at www.iwantv.com.ph

 

Show comments