Anne kakastiguhin ng MTRCB!

SCENE: Iimbestigahan ng MTRCB ang provocative production number at outfit ni Anne Curtis sa ASAP noong Linggo. Nauna nang binigyan ng warning ng MTRCB ang Party Pilipinas dahil sa sexy production number nina Lovi Poe at Rocco Nacino noong nakaraang buwan.

SEEN: Si Wilma Doesn’t sa appreciation dinner ng MMDA at Metro Manila Film Festival 2012. Malaki na ang ipinagbubuntis ni Wilma at chef na nagtatrabaho sa cruise ship ang ama ng bata.

Wilma Doesn’t buntis na naman!

SCENE: Si Wilma Doesn’t ang surprise winner ng best supporting actress trophy ng 2012 Metro Manila Film Festival dahil sa role niya sa Sisterakas.  Hindi pa rin matanggap ng iba ang tagumpay ni Wilma.

SCENE: Hindi komportable ang fans ni Sarah Geronimo sa wig na ipinagamit sa kanya sa It Takes a Man and a Woman dahil nabawasan ang kanyang natural beauty.

SEEN: Isang tao na mahilig gumamit ng iba’t ibang sim card at Twitter account ang suspect sa paninira kay Krista Miller sa social media dahil pare-pareho ang mga salita na ginagamit niya.

SCENE: Hindi matutuwa ang mga kapatid na lalake ni BB Gandanghari kapag napanood nila sa Youtube ang torrid kissing scene ng dating Rustom Padilla kay Jet Alcantara. Pang-promo at pampaingay sa stage play ni BB ang video ng maalab na halikan nila ni Jet. 

 

Show comments