Yeng inimbitahan sa school sa Singapore, kantang Salamat isinama pa sa curriculum!
Matagal-tagal na ring kulay pula ang buhok ni Yeng Constantino. May kinalaman daw ito sa pang-limang album ng singer na Metamorphosis at sa pagkahilig niya rin sa musika.
“It’s a part of who I am now in this season in my life. I can say my hair color represents my passion for music now which is flaming hot,†bungad ni Yeng.
Isinulat raw ng dalaga ang halos lahat ng kanta sa kanyang bagong album.
“Sobrang pinaghirapan ko talaga bawat track and it’s really a transformation for me and sobrang gusto kong makita ng mga tao ang mga nangyayari sa akin as a musician. I want to thank everyone na bumili ng album ko dahil nag-number two kaagad ito sa best-selling album sa Odyssey,†dagdag pa niya.
Samantala, bukas ay nakatakdang mag-perform sa Singapore ang singer-composer para sa AcadeÂmy of Rock. Proud na proud si Yeng dahil isa siya sa mga napili para magtanghal dito.
“It is a music school based in Europe with a branch in Singapore and the Philippines and isa ako sa napili nilang mag-perform para sa school nila. Tinuturo nila ’yung kanta kong original na Salamat sa mga curriculum nila. Sobrang nakaka-proud lang na isa ako sa mga nagustuhan nila na mag-perform,†pagtatapos ng dalaga.
Aiza ayaw pag-usapan ang banggaang Be Careful… at Eat Bulaga
Kamakailan ay napabalitang magre-resign na si Aiza Seguerra sa teleseryeng Be Careful With My Heart. Namamayagpag sa ratings sa tanghali ang nasabing programa na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.
“Pinag-uusapan na namin ng management, ng production, but as of the moment I am staying. That’s all I can say,†makahulugang pahayag ni Aiza.
Isa sa mga dahilan daw ng posibleng pagbibitaw ni Aiza sa kanilang programa ay ang pagkakatapat nito sa Eat Bulaga. Malapit sa puso ni Aiza ang noontime show dahil dito siya nagsimula at ngayon ay makakatapat ng kanilang serye lalo na ang mga unang bahagi nito.
“I would rather not talk about it honestly. Kumbaga, whatever it is I’d rather talk, ’yung pag-uusap na ’yun is between me, the production of Be Careful With My Heart, and the management of ABS-CBN. But as of now, all I can say, I am not resigning,†giit ni Aiza.
Samantala, nag-e-enjoy naman siya sa kanyang ginagawa sa serye lalo pa’t kakaiba ang kanyang karakter dito bilang si Kute o Christina Rose. Katambal ni Aiza si Tom Rodriguez at marami rin daw ang natutuwa sa kanilang tambalan.
“Well, okay lang because it’s effective. Tom and I are really good friends. We try our best on this whatever you call it love team to work. Happy and kumbaga. It’s unprecedented. It’s a phenomenon. Everywhere I go ang pangalan ko na Christina Rose o Kute,†nakangiting kuwento pa niya.
Samantala, masaya si Aiza sa pagkapanalo ng kanyang kantang Anong Nangyari sa Ating Dalawa? sa katatapos pa lamang na 2013 P-Pop Himig Handog Love Songs. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest