MANILA, Philippines - Base sa mga litratong pino-post ni Sarah Lahbati sa kanyang Instagram account, tumaba na siya at umumbok na ang pisngi.
Kaya tuloy pinagdududahan siyang preggy lalo na sa inilagay niyang photo kahapon na naka-side view siya at mag-isa lang.
Nasa Switzerland ngayon si Richard Gutierrez para dalawin ang girlfriend at nasa Zermatt, Switzerland ang magkarelasyon.
Kaya ang dare sa kanya ng mga followers, mag-post si Sarah ng litratong makikitang maliit ang tiyan niya.
Kung sabagay kung buntis siya, wala namang masama.
Ang isang sigurado ang ganda-ganda nang magiging anak nila ni Richard kung saka-sakali.
Rules sa MMFF rerepasuhin na!
Personal na tinanggap ni Dingdong Dantes ang premyong cash sa pagkakapanalo niya bilang best actor sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa pelikulang One More Try sa ginanap na appreciation party para sa winners and talents ng 2012 MMFF na pinangunahan ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino na ginanap sa H20 Hotel.
Kasabay na rin ng appreciation party ang launching ng 39th anniversary ng Festival.
Bukod kay Dingdong present din si Direk Brillante Mendoza na nanalong Best Director para sa Thy Womb na napanalunang pelikula rin ni Nora Aunor bilang best actress.
Wala naman si Nora sa nasabing party dahil kasalukuyan daw itong nasa Amerika at nagpapagamot. Si Wilma Doesn’t nga pala ay andun din.
Naging highlight din ng gabi ang announcement ni Tolentino nang creation ng MMFF New Wave Animation CaÂtegory this year. “With the growing talent pool of animators both locally and abroad, it is high time that we recognize and showcase their potential to a broader audience,†paliwanag ng chairman ng MMDA.
Kasabay din ang creation ng MMFF Review Committee which will assess and improve the rules, regulations and implementing programs of the MMFF.
Anyway, kulang-kulang P800 million ang kinita ng MMFF 2012, mas mataas sa mga nagdaang MMFF kung saan ipinalabas ang Sisterakas, El Presidente, Thy Womb, The Strangers, One More Try, Si Agimat, si Enteng Kabisote, at si Ako, Sosy Problems, and Shake, Rattle and Roll 14.
Pero walang nabanggit si Chairman Tolentino kung alin talaga ang nangulelat na pelikula sa walo dahil wala silang ibinigay na figures.
Maaalalang ang Sisterakas ang nanguna sa mga pelikulang ipinalabas sa 2012 filmfest at sinasabi namang ang Thy Womb ang nasa no. 8.
Martin babalikan ang pagdadaldal
Balik late night TV ngayong Biyernes si Martin Nievera.
Mas maingay, mas madaldal, at mas makulit na Martin daw ang magbabalik sa pinakabagong talk show ng ABS-CBN na Martin Late @ Night na mapapanood na pagkatapos ng Bandila.
Kinikilala bilang Big Mouth ng Philippine television at Filipino counterpart ng late night TV icons ng US tulad nina David Letterman, Conan O-Brien, at Jay Leno, handang-handa na si Martin na ibalik ang sigla at bigyan ng total entertainment ang TV viewers tuwing Biyernes ng gabi.
Bukod sa pagiging batikang singer-songwriter, nakilala rin si Martin bilang host ng hit late night talk shows ng ABS-CBN na Martin After Dark na umere mula 1988 hanggang 1997 at Martin Late @ Nite na napanood mula 1998 hanggang 2002.
Matagal na pinag-usapan ang programa bago ito natuloy.