Hindi na raw napapakinabangan, kontrata ni Nora Aunor kakanselahin na ng Kapatid network? Nahihiyang ipaalam sa ama, Pauleen ibinuko ang mga pinaggagawa nila ni

PIK: Hindi pa namin nabasa ang March issue ng  Yes magazine, pero medyo na-tense ang isa sa mga bida ng Unforgettable na si Pauleen Luna sa lumabas na article tungkol sa kanya.

Parang ayaw daw niyang pabasa sa daddy niya. Napag-usapan doon ang tungkol sa relasyon nila ni Vic Sotto na may ilang detalyeng maaring hindi nalaman ng kanyang ama.

Pero marami ang nagandahan sa bagong bahay ng young actress, na paulit-ulit niyang sinasabing hindi iyun bigay sa kanya ni Bossing Vic.

Nakakahiya raw kasi sa magulang na siyang gumastos nang malaki sa bago niyang bahay.

PAK: Napapag-usapan ngayon na nagkakaroon daw ng problema sa kontrata ni Nora Aunor sa TV 5.

Totoo kayang iti-terminate na raw ang kontrata nito sa Kapatid network?

 Lumalala na nga raw ang problema sa Superstar dahil sa nagiging masakitin na ito at hindi naman siya nagagamit.

Nagkaroon ng problema sa Never Say Goodbye kaya tuluyan na raw itong tatanggalin, lalo na’t nasa Amerika naman ito at nagpapagamot daw.

Abangan na lang natin pagbalik niya kung me­ron pa siyang gagawin uli sa TV 5.

BOOM: Marami ang agree at tuwang-tuwa sa pagkapanalo ni Aiza Seguerra sa nakaraang Himig Handog P-Pop Love Songs, dahil sa napakamadamdaming interpretation nito sa awiting Anong Nangyari sa Ating Dalawa na nilikha ni Direk Joven Tan.

Ang balita nga, napaluha raw si Aiza nung ni-record niya ito. Mukhang ito ang susunod niyang hit song pagkatapos ng Pagdating ng Panahon.

Ang balita namin, relate na relate ngayon ang magaling na singer sa awi­ting ito dahil sa nakaraang break-up daw niya?

Tahimik si Aiza pagdating sa kanyang love life, pero marami naman ang nakaalam kung sino ang huli niyang karelasyon pagkatapos ng sa kanila ni Chen Sarte.

Show comments