Kababaihan sa Agusan at Masbate naghihirap
MANILA, Philippines - Sa ika-limang pagtatanghal ng Sektor, sisiyasatin ng Reporter’s Notebook ang kakulangan ng sapat na serbisyong pangkalusugan para sa mga nagdadalantao at kawalan ng ligtas at maayos na hanapbuhay—ilan lang ang mga ito sa mga isyung kinakaharap ng kababaihan ngayon. Ayon sa pag-aaral ng Department of Health, pinakamataas ang bilang ng mga namamatay na ina dahil sa pagbubuntis sa CARAGA Region at pumapangalawa naman ang Region V.
Tinungo ng Reporter’s Notebook ang mga probinsiya ng Agusan del Norte at Masbate upang alamin ang dahilan kung bakit kalunus-lunos ang kalagayan ng mga mismong nagbibigay ng buhay.
Huwag palampasin ang Sektor: Kababaihan ngayong Martes, ika-26 ng Pebrero, pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.
- Latest