^

PSN Showbiz

Sam kumuha na ng tutor para mahasa ang dila sa tagalog

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Hindi na makakasama si Jericho Rosales sa teleseryeng Against All Odds katulad ng napabalita kamakailan. Pinalitan na raw ng ibang aktor na gaganap sa role na dapat ay kay Jericho. May bulung-bulungan na billing issue ang dahilan kaya hindi na tinanggap ni Jericho ang nasabing proyekto. Nilinaw naman kaagad ni Sam Milby na isa sa mga bida ng serye ang nasabing isyu.

“Si John Estrada na ang kasama. Last year pa kasama na si John sa original cast. ’Yung role na ’yan kay John Estrada ’tapos nagkaroon ng A Beautiful Affair kaya ’di niya puwedeng gawin ’yung Against All Odds. Eh dahil tumigil na kami sa taping at that time, natapos na ’yung A Beautiful Affair.

“Dapat nga si Jericho ang naging kasama sa teleserye. I don’t know what actually happened with that. Ayun, tapos na taping ng A Beautiful Affair, si Echo ’di na kasama at si John Estrada na ulit,” kuwento ni Sam.

Samantala, pinaghandaan talaga ng aktor ang muli nilang pagti-taping para sa nasabing soap opera. Nag-hire pa raw si Sam ng tutor para sa kanyang pagsasalita ng wikang Pilipino.

“Happy ako na kahit paano tumigil ang taping namin sa Against All Odds tapos nag-start kami sa Kahit Konting Pagtingin kasi nag-improve Tagalog ko. Noong nag-start kasi kaming mag-taping last year, ’di ako masyado nag-aral noong time na ’yun. Ngayon todo na pag-aaral ko sa Tagalog. May tutor na ako, she’s a dubbing director. So ngayon unti-unti na akong gumagaling pero siyempre may times na talagang nahirapan ako dahil sa accent ko. But the important thing is nag-i-improve ako,” pagbabahagi ng binata.

Umaasa rin si Sam na sana ay mapansin ng kanyang leading lady na si Judy Ann Santos ang pagiging matatas na niya sa Tagalog.

Paulo nagbabalak maging killer sa susunod na project

Bukod sa teleseryeng Kahit Konting Pagtingin ay abala rin ngayon si Paulo Avelino sa paggawa ng mga pelikula. “I’m doing an indie project for Cinemalaya under Alvin Yapan. Abangan n’yo po ang Debosyon (indie) at ang The Bride and the Lover (mainstream) this year,” bungad ni Paulo.

Isang Bicolano film ang Debosyon at makakatambal niya rito ang anak ni Maria Isabel Lopez na si Mara Lopez. “It’s in Bicol and it’s about Peñafrancia festival. The whole film’s language will be in Bicolano and will mostly be shot in Bicol. ’Yung plot niya talaga is about forbidden love,” pag­lalarawan ng aktor.

Tinanggap daw ni Paulo ang nasabing indie film dahil naniniwala siyang makatutulong ito sa kanyang kakayahan sa pag-arte.

“It’s always nice to do something out of the mainstream thing. One of my resolutions this year is to be a better actor. To strive harder and be a better actor,” pagtatapat ni Paulo.

Gusto rin daw gumanap ng aktor bilang isang mamamatay-tao sa kanyang mga susunod na proyekto.

— Reports from JAMES C. CANTOS

 

A BEAUTIFUL AFFAIR

AGAINST ALL ODDS

ALVIN YAPAN

BICOL

BRIDE AND THE LOVER

DEBOSYON

JOHN ESTRADA

KAHIT KONTING PAGTINGIN

PAULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with