30th showbiz anniversary ni Zsa Zsa bongga ang selebrasyon!

MANILA, Philippines - Hitik sa powerful performances ang hatid sa TV viewers ngayong Linggo (Pebrero 24) ng no.1 Sunday musical variety show ng bansa na ASAP 18, kung saan tampok ang engrandeng selebrasyon ng 30th showbiz anniversary ng Divine Diva na si ZsaZsa Padilla; at ang show-stopping birthday bash ng Concert Sweetheart na si Anne Curtis.

Sa pagpapatuloy ng month-long celebration ng 18th anniversary ng prog­rama, ibibida ng ASAP 18 sa TV viewers ang natatanging husay ng Pinoy sa larangan ng musika sa grand launch ng official soundtrack ng top-rating prime­­time kilig-seryeng Kahit Konting Pagtingin na pangungunahan nina An­geline Quinto at Sam Milby; at sa pagpapamalas ng special kilig powers ng Kapamilya teen sensation na si Daniel Padilla na aawit ng isa sa mga song finalists ng Himig Handog P-Pop Love Song 2013.

Back-to-back na pasiklaban ng talento naman ang matutunghayan sa ASAP centerstage dahil sa espesyal na dance number ng Kapamilya teen stars na sina Ella Cruz, Paul Salas, Jerome Ponce, Jane Oineza, Claire Ruiz, Kit Thompson, Sofia Andres, at Khalil Ramos; at sa pagsasama-sa­ma ng cute na cute na Kapamilya child wonders na sina Bugoy Cariño, Izzy Canillo, Clarence Delgado, at Zaijian Jaranilla bilang kiddie version ng Kanto Boys.

Samantala, saksihan ang world-class concert experience na ihahandog nina Martin Nievera, Vina Morales, Kuh Ledesma, Erik Santos, Jed Ma­dela, ASAP Pinoy Champs, at ng ASAP Sessionistas.

Huwag din palampasin ang powerful dance extravaganza ng Kapamilya leading ladies na sina Cristine Reyes, Jessy Mendiola, at KC Concepcion; at ang pinakamalulupit na performances nina Kim Chiu, Maja Salvador, Enri­que Gil, John Prats, Rayver Cruz, Iya Villania, Gab Valenciano, at Jericho Rosales sa ASAP 18 Supahdance.

Show comments