Very vocal na si Kylie Padilla sa pagsasabi tungkol sa kanyang dyowang si Aljur Abrenica at nakakadalaw na ito sa kanilang bahay. Pero naiilang pa rin ang binata sa kanyang ama.
‘‘Sabi ni Papa ay magiging komportable lang siya kapag nagpakasal na ako at may asawa na,’’ sabi ni Kylie.
Dagdag pa ng magandang dalaga, hanggang ngayon ay may curfew pa rin siya kay Robin Padilla na dapat sundin. Hanggang 10:00 p.m. lang siya at dapat ay nasa bahay na nun.
Excited na si Kylie sa Unforgettable kung saan seryoso ang karakter na ginagampanan na ipalalabas na ngayong Pebrero 25 katambal si Mark Herras, sa direksiyon ni Gina Alajar.
Arci takot ma-late, Vandolph pinagsabihan sa paninigarilyo
Sa presscon ng The Fighting Chefs ay iisa ang pahayag ng lahat tungkol sa kanilang direktor na si OMB (Optical Media Board) Chairman Ronnie Ricketts — magaan siyang katrabaho. Masaya lagi ang lahat ng artista, nagtatawanan at busog sa pagkain.
Kaya lang pinaiiral pa rin ni Chair Ronnie ang disiplina gaya ng pagre-report sa set ng maaga. Sabi nga ni Arci Muñoz ay napipilitan siyang gumising ng maaga para ’di ma-late. Si Vandolph naman ay nagsubo ng sigarilyo minsan at may nagsabi agad sa kanya na huwag siyang magsigarilyo muna at humanap ng smoÂking area. Hindi kasi naninigarilyo ang actor-director.
Dream pala ni Ronnie na makagawa ng ganitong klase ng pelikula na may aksiyon at comedy tungkol sa mga chef. Nagpaalam pa ito sa Malacañang para gumawa ng pelikula na hindi naman makakaapekto sa trabaho niya sa OMB.
Magkakaroon muna ng premiere night ang The Fighting Chefs sa Marso 4 at ipalalabas na ito sa mga sinehan sa Marso 6.
Bagong dream girl nasa teen gen
Ginagampanan ni Dianne Bernadette Hernandez ang karakter ni Lyka sa Teen Gen na anak ni Angelu de Leon. Bagay na mag-ina ang dalawa dahil parehong maganda at matalino.
Katambal ni Dianne si Juancho Trivino bilang si Lucho kung saan sa linggong ito ay nadamay ang dalawa sa misunderstanding nina Peachy at Wacks (Angelu at Bobby Andrews).
Selos na selos si Wacks kay Jet pero naayos ang gulo dahil si Jet mismo ang nagsabi na huwag nang pakawalan si Peachy.