Aktor naduwag pangalanan ang mga nakalandian, takot mabugbog!
Tama lang na ipina-off the record ng isang aktor ang names ng ex-GFs niya at mga naka-fling dahil siguradong marami ang magre-react. Unang aalma ang mga ex niya, flings, boyfriends ng mga ex at fans ng mga ex and their BFs. Sa huling grupo, mas dapat matakot ang aktor dahil talagang hindi siya tatantanan.
In fairness, ang gaganda ng ex ng aktor, pati ‘yung fling lang niya at biniro namin itong mahusay pumili. Nakarelasyon nito ng six months ang isang maganda at sikat na aktres, pero nag-break din dahil nalaman nitong noong nasa Amerika ang aktor sa taping ng soap kasama ang isa pang ex, naging close uli sila at muntik magkabalikan. Pagbalik ng aktor, nakipag-break agad ang GF niya.
‘Yung inakala naming relasyon ng aktor sa isang maganda at mestisang aktres, fling lang pala at hindi na rin niya binanggit ang pangalan nito bilang respeto sa present BF ng mestisang aktres na hindi yata alam na nakarelasyon ng aktor ang GF niya.
Mabait pa rin ang aktor dahil para hindi masira ang kredibilidad ng isang aktres na itinangging naging sila, hindi na niya isinama ang pangalan nito sa mga naÂging ex niya. Pero alam ng marami na naging sila at naging cause pa nga ang nagdi-deny na aktres ng away ng aktor at nakabalikan niyang GF that time.
Vandolph gusto nang makawala sa pagyo-yosi
Introducing sa The Fighting Chefs si Marella Ricketts, panganay na anak nina OMB Chairman/actor/director ng pelikula na si Ronnie Ricketts at misis nitong si Mariz.
Wala lang sa presscon ang dalaga kaya hindi siya nakilala ng press. Ang sabi lang ni Ronnie, ayaw noong una na lumabas sa pelikula ang anak, pero nang makita ang younger cast, naging komportable ito.
Nag-request pa raw ito na i-reshoot ang eksenang kinunan dahil gusto’y mapaganda ang kanyang eksena. Minsan, kahit tapos na ang eksena, nag-i-stay sa set si Marella para manood.
Kasama rin sa cast si Vandolph na dahil nakatrabaho si Ronnie, nabawasan ang pagyoyosi. Naghahanap pa raw siya ng lugar sa set kung saan siya puwedeng mag-smoke at ‘yung hindi nakikita ni Ronnie. Nangako si Vandolph na darating din ang araw na iiwan niya ang paninigarilyo.
Samantala, sa March 4, sa Robinsons Galleria ang premiere night ng The Fighting Chefs bago ang regular showing sa Mar. 6. Comedy/action ang movie, may musical pa, kaya mag-i-enjoy ang tao.
Gary makikigulo sa Foursome
Walang guest sina Martin Nievera, Pops Fernandez, Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa unang Foursome concert nila noong Valentine’s Day. Pero sa repeat ng concert sa March 16, guest na nila si Gary Valenciano.
Kaya kung masaya ang Foursome noong February 14, madadagdagan ang katuwaan ng manonood sa presence ni Gary. Siguradong kuwela ito at parang na-i-imagine na namin kung paanong pagtutulungan nina Martin at Ogie si Gary!
Samantala, ibabalik ng ABS-CBN ang talk show ni Martin sa Martin Late @ Night, nag-tweet si Martin na nagti-taping na siya at sa March na ang airing. March 1, na raw ang pilot nito after Bandila.
- Latest