Cesar nabuko, Sunshine ayaw kasama sa Alfredo Lim story

SCENE: May statement si Mayor Al­fredo Lim na hindi magkakaroon ng prob­lema ang pagsasama nina Sunshine Cruz at Cesar Montano kung ang asawa ang kinuha nito na leading lady sa Alfredo S. Lim, The Untold Story. Tinanong noon ni Mayor Lim si Cesar na bakit hindi si Sunshine ang kuning leading lady nang hindi pumuwede si Anne Curtis sa pelikula.

SEEN : Ang Thanksgiving dinner ng cast ng Ina Kapatid Anak dahil sa mataas na ratings ng kanilang  primetime bida show sa ABS-CBN. Malaki ang naitulong ng ayaw nina Kim Chiu at Maja Salvador para lalong pag-usapan ang kanilang serye.

SCENE : Ngayong gabi ang finals ng Himig Handog P-Pop Love Songs sa The Arena ng Mall of Asia. Sina Xian Lim, Kim Chiu, Matteo Guidicelli at Maegan Young ang hosts ng Himig Handog P-Pop Love Songs.

SEEN : Hindi makakarating ngayon si Kris Aquino sa Panagbe­nga Festival sa Baguio City dahil may sakit ang kanyang bunsong anak na si Bimby.

SCENE : Nami-miss ng supporters ni Isabel Rivas ang kanyang natural beauty sa mga eksena niya sa Apoy Sa Dagat.

SEEN : Ikinagulat ng fans ni Sam Concepcion ang balita na may relasyon na sila ni Jasmine Curtis-Smith.

SCENE : Mabibili na sa mga video shop ang DVD copies ng I Do Bidoo Bidoo ng  Unitel Films. Ang I Do Bidoo Bidoo ang critically-acclaimed romantic-comedy-musical movie nina Eugene Domingo, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Sam Concepcion at Tippy Dos Santos.

 

Show comments