PIK: Mamaya sa Sarap Diva ay special guests ni Regine Velasquez ang mga produkto ng Starstruck na sina Yasmien Kurdi, LJ Reyes, at Chariz Solomon.
May kanya-kanya silang specialty na lutong ipinatikim kay Songbird pero aliw din ang tsikahan nila lalo na sa pagpapayat na gustung-gusto nang gawin ni Yasmien.
Isa iyon sa ibinigay na tips ni LJ na na-maintain ang kaseksihan kahit abala rin ito sa pag-alaga ng anak niyang si Aki.
Si Chariz naman ay parang hindi pa ready na mabuntis dahil gusto pa niyang rumaket nang rumaket para makapag-ipon silang mag-asawa.
PAK: Nagkaroon ng press screening ang pelikulang Alfredo S. Lim: The Untold Story nung isang araw at hindi maiwasang mag-react ang movie press tuwing lumalabas si Krista Miller.
In fairness sa starlet, mabigat ang role niya at mahaba rin ang exposure pero hindi siya ginagamit sa promo nito. Tingnan na lang natin kung sisipot siya sa premiere night sa Feb. 26 na gaganapin sa SM Manila.
Darating din kaya si Sunshine Cruz na isa sa mga executive producer ng naturang pelikula?
BOOM: Nanghihinayang ang R&B princess na si Kyla nang magpa-pre-natal check-up ito kamakailan lang dahil hindi pa niya nakita ang mukha ng kanyang baby. Excited pa naman ito dahil puwede na niya itong ma-sight sa 4D ultrasound pero hindi naman nangyari.
Parang si Kyla rin yata na mahiyain ang baby niya dahil nakadikit daw ang baby sa placenta kaya hindi pa niya nakita sa ultrasound. Ita-try daw niya uli sa susunod na check-up para makita naman niya kung sino sa kanila ni Rich Alvarez ang kamukha ng kanilang first baby.
Ayon sa ama ni Kyla na si Atty. Ulysis Calumpad, pinapatigil na niya ang kanyang anak sa Party Pilipinas dahil sobrang laki na ang tiyan nito. Magwa-walong buwan na kasi ang ipinagbubuntis ng singer kaya medyo nahihirapan na rin ito. Kaya gusto na nilang papagpahingahin na lang para mapaghandaan na rin ang kanyang panganganak.