^

PSN Showbiz

Mas buo pa ang self-confidence kay Jessica Sanchez: Fil-Am contestant sa AI na si Adriana Latonio binigyan ng standing ovation ng judges!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SCENE: Mahaba at importante ang role ni Krista Miller sa Alfredo S. Lim, The Untold Story. Introducing si Krista sa pelikula ni Cesar Montano at siya ang starlet na pinagseselosan nang todo ni Sunshine Cruz.

SEEN:Standing ova­tion ang ibinigay ng American judges na sina Randy Jackson at Keith Urban sa American Idol Fil-Am contestant na si Adriana Latonio. Mas buo ang self-confidence ni Adriana kesa kay Jessica Sanchez.

SCENE: Official candidate sa Bb. Pilipinas 2013 si Pia Wurtzbach aka Pia Romero, ang former Star Magic contract artist na contemporary ni Bea Alonzo nang magsimula ito sa showbiz.

SEEN: Fifty official candidates ang pinili ng Bb. Pilipinas Charities, Inc. dahil ngayong 2013 ang kanilang 50th anniversary. Gaganapin ang coronation night ng Bb. Pilipinas 2013 sa Smart-Araneta Coliseum sa April 14.

SCENE: Reunion movie nina Hero Angeles at Joross Gamboa ang The Fighting Chefs. Si Hero ang first winner ng Star Circle Quest, ang talent search program ng ABS-CBN noong 2004. Runner-up ni Hero si Joross.

SEEN: Ang may acting na pahayag ni Geneva Cruz sa isang television interview na gusto nang palayain ng kanyang pinsan na si Sunshine Cruz ang asawa nito na si Cesar Montano. Hindi dapat nakikialam si Geneva sa away ng mag-asawa.

SCENE: May YouTube teaser na ng Kung Fu Divas, ang action-comedy-adventure movie nina AiAi delas Alas at Marian Rivera na kinunan sa green screen.

Ipalalabas sa mga sinehan ang Kung Fu Divas sa October 2013. Ang producer ng Tiktik: The Aswang Chronicles ang producer ng Kung Fu Divas.

 

vuukle comment

ADRIANA LATONIO

ALFREDO S

AMERICAN IDOL FIL-AM

ASWANG CHRONICLES

BEA ALONZO

CESAR MONTANO

FIGHTING CHEFS

KUNG FU DIVAS

SUNSHINE CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with