Arci Muñoz totoong karelasyon daw ng komedyante!
MANILA, Philippines - Lumayas si Arci Muñoz sa presscon ng The Fighting Chefs noong Huwebes ng gabi. Hindi tuloy niya naklaro ang mga bali-balitang diumano ay sila na nga raw ni Willie Revillame ang magkarelasyon.
May nagbulong na matagal na raw ang relasyon ng dalawa kaya madalas kasama si Arci sa mga lakad ng komedyanteng TV host.
Kaya nga raw marami na rin itong nakolektang mamahaling bag dahil lagi raw itong nakakatanggap ng regalo mula sa diumano’y karelasyon niya.
Matagal na silang nali-link pero idinenay ni Arci. Pero isang kaÂkilala nila ang nagsabi na may something sa dalawa.
Anyway, gaganap na sexy chef si Arci sa pelikulang The Master Chefs na pinagbibidahan ni Optical Media Board Chairman Ronnie Ricketts at Chef Boy Logro.
Chef Boy interesadong maka-partner sina Marian at LT
Speaking of Chef Boy, nang makatsikahan namin ito after the presscon ng The Master Chefs, sinabi nitong nabigla siyang meron na siyang pelikula at artista na.
At ang bongga, equal ang billing nila ni Chairman Ronnie sa mga poster na ikinagulat niyang lalo.
So gagawa uli siya ng pelikula? “Bakit hindi pag may magandang offer uli,†sabi ng sikat ng chef.
So sino naman ang gusto mong maka-partner kung saka-sakali? “Si Marian Rivera kasi nakasama ko na siya sa Tweets for My Sweet (‘yung dating Sunday comedy show nila sa GMA 7).â€
Ka-loveteam si Marian?
“Hindi naman parang mag-ama kami.â€
Sa mga ka-age niya, sinong gusto niyang makasama o maka-partner?
“Si Lorna Tolentino. Kasi magaling siya,†sagot ng chef na halos dalawang taon pa lang sa showbiz pero hataw na ang career.
Mayamang-mayaman na ba siya?
“Tama lang,†sabay tawa niya na kahit sikat na ay simpleng-simple pa rin ang hitsura.
Showing na March 6 ang The Fighting Chefs under Viva Films.
Aktor na nagbabalik bagay sa batang ama role!
Ang panget na ng actor na biglang lumutang sa isang presscon. Hindi na fresh ang hitsura. Hindi na rin mukhang artistahin. Or puwede naman siya sa role na batang ama.
Hahaha.
Lumipas na ang panahon niya. Nagka-letse letse ang career niya noon nang pakialaman ng kanyang kapamilya.
Ngayon nagbabalik siya, pero sa rami nang nagsusulputan parang malabo na siyang mapansin.
85th Academy Awards live sa studio 23
Eere ngayong Lunes, February 25 ang pinakamaningining na gabi sa Hollywood – ang 85th AcadeÂmy Awards mula sa Dolby Theater, Los Angeles, California na mapapanood via satellite sa Studio 23 sa ganap na 11:00 AM.
Maugong ang nalalapit na gabi ng parangal, na pangungunahan ni Seth MacFarlane bilang host, lalo na sa mga social networking sites kung saan may kanya-kanyang pambato para sa mag-uuwi ng gintong Oscar statuette.
Masungkit kaya ni Anne Hathaway ng Les Miserables ang titulong Best Supporting Actress? Makakabawi kaya si Ben Affleck matapos siyang isnabin sa kategoryang Best Director para sa pelikulang Argo? Maiuuwi niya ba ang Best Picture Award? O kaya naman kay Kathryn Bigelow ba ang huling halakhak, na etsapwera rin sa kategorÂyang Best Director ngunit nominado naman sa kategoryang Best Picture ang pelikula nitong Zero Dark Thirty?
Ang historical drama film tungkol sa civil war na Lincoln ni Steven Spielberg ang sinasabing isa sa pinakamalakas na entry matapos itong umani ng 12 nominasyon, kasama na rito ang best picture, best director, at best actor (Daniel Day-Lewis) habang may 11 nominasyon naman ang Life of Pi. Parehong may walong nominasyon naman ang musical film na Les Miserables at romantic comedy dramang Silver Linings Playbook.
Mag-aagawan din para sa Best Picture award ang mga nominadong Amour, Beasts of the Southern Wild; Django Unchained, Les Miserables, Life of Pi, Silver Linings Playbook, at Zero Dark Thirty.
Sina Daniel Day Lewis (Lincoln); Denzel Washington (Flight), Hugh Jackman (Les Miserables), Bradley Cooper (Silver Linings Playbook), at Joaquin Phoenix (The Master) ang maglalaban-laban para sa Best Actor, habang sina Naomi Watt (The Impossible), Jessica Chastain (Zero Dark Thirty), Jennifer Lawrence (Silver Linings Playbook), Emmanuelle Riva (Amour), Quvenzhané Wallis (Beasts of the Southern Wild) ang maglalaban para sa Best Actress Award.
Magpapagalingan naman sa kategoryang Best Director sina David O. Russell (Silver Linings Playbook); Ang Lee (Life of Pi); Steven Spielberg (Lincoln); Michael Haneke (Amour); and Benh Zeitlin (Beasts of the Southern Wild).
Magsisimula itong mapanood ng 11:00 AM hanggang 2:00 PM sa Studio 23.
- Latest