^

PSN Showbiz

Usapang kalusugan at kagandahan sa Gandang Ricky Reyes

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatutuwa na ang mga may-edad na o tinatawag na senior citizen  ay alaga pa rin ang katawan at kalusugan.  At ito ang isa sa mga panooring itatampok ngayong Sabado 9:00-10:00 ng umaga sa Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh ng GMA News TV.

Ipapasyal tayo ni Mader Ricky sa Quezon Memorial Circle kung saan ang mga health conscious na mga  lolo’t lola at tatay at nanay ay may iba-ibang paraan ng ehersisyo gaya ng jogging, biking, zumba, judo-karate, yoga, belly dancing, atbp.

Meron ding madadaling ehersisyo para sa mga kababaihan na magagawa nila sa opisina o sa sariling bahay.  “Kung gusto mong maging malakas at seksi ay dapat may panahon kang mag-ehersisyo kahit nasaan ka.  Kadalasang ang pagtaba at pagkalosyang ay sanhi ng kapabayaan sa sarili,” sabi ni Mader RR na dahil tinatakang beauty guru ay tunay na beauty conscious.

May bisitang nutritionist sa programa na magbibigay ng payo tungkol sa mga wastong pagkain na nakakapagpalusog  pero ‘di nakakataba.

Ililibot pa tayo ni Mader sa iba-ibang clinic kung saan ginagawa ang pamoso ngayong Stem Cell Treatment  na maraming Pinoy ang naaakit dahil di lang ito panlunas sa iba-ibang sakit kundi diumano’y pampabata.

Maraming  food supplement na nabibili ngayon.  Mabisa nga ba ang mga ito?  Dapat ay alamin muna kung ito ay peke o tunay gaya ng kapsula, kape at tsaang tatak MX3 na galing sa prutas na Garcinia Mangostana (o mangosteen) na sikat di lang dito sa atin kungdi maging sa ibang bansa.

vuukle comment

DAPAT

GANDANG RICKY REYES TODO NA TOH

GARCINIA MANGOSTANA

ILILIBOT

MADER

MADER RICKY

QUEZON MEMORIAL CIRCLE

STEM CELL TREATMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with